Kabanata 1

290 11 1
                                    


Kabanata 1

Blood





Pagod na pagod ako sa buong linggong ito. Hindi pa makabisita sa anak ko. Tawag sa telepono ang tanging ugnayan at bihira pa kung magkamustahan.

"Lily!"

Malakas na sigaw ng manager ni Tori. Aligaga akong tumayo. Bitbit sa kamay ang mga damit ng kaibigan. May bagong ini-indorsong producto ngayon si Tori, kaya katulad niya ay abala rin ako.

Sumenyas ito na bilisan ko. Halos madapa pa ng bilisan ang pagtakbo..

"Pasok ka na. Kailangan na niyang magpalit ng damit.."

Tumango ako. Nasa labas kasi ako at hinihintay lang ang tawag upang magdala ng bagong susuotin niya. Puwede namang nasa loob din ako ang kaso, kunting likha lang ng ingay kagagalitan na. Hindi naman pupuwedeng parati na lang ipagtanggol ni Victoria dahil nakakahiya na. Ayaw kong sirain ang magandang imahe niya.

Mabilis akong naglakad upang makapasok sa abalang silid. Panay ang click ng camera at panay din ang pose ni Victoria. Iba't-ibang mukha ang ipinapakita niya sa camera. Sanay na ako sa trabaho niyang ito. Pagod din ako kapag pagod siya. Puyat rin kapag abala...

Tahimik akong pumasok kahit na nagmamadali. Sa lugar kung saan malapit sa kinaroroonan ng kaibigan tumayo at ngumiti sa kanya kahit nakapose pa. She didn't smile back. Alam ko na naman ang dahilan, kapag ngumiti siya masisira ang magandang imahe niya sa harap ng camera. Kailangan daw kasing matapang ang ipinapakitang mukha sa harap nito.

Sumenyas ang photographer.. isang kuha pa bago sumigaw ng break..

Bagsak ang balikat ni Victoria ng lumalapit sa puwesto. She was wearing a lingerie. Kulay itim ito kaya lumilitaw ang kaputian ng kanyang balat. Ang makurbang katawan ay nagsusumigaw. Ang mahabang buhok ay nakalugay. Para siyang pagod na diyosang naglalakad. Malayo kasi ang tinatanaw, halos tulala habang papalapit sa puwesto kung nasaan ako. Ibang-iba ang hitsura sa harap ng camera.. sobrang mapaglaro ang kanyang hitsura kapag katapat ang camera samantalang tila nalalanta kapag sa totoong mundo nakaharap...

Nginitian ko siya. Tumango lamang at ako'y niyakap. Umiling ako sa paglalambing niyang ito.. Kapag ganito kasi siya, ipinaparamdam niya ang labis na kapaguran ng katawan.

"Konting tiis na lang.. malapit na namang matapos.."

Mas bumigat pa siya lalo..

"Tori.."

"I'm so tired. Hindi na talaga ako tatanggap ulit ng bagong produkto. Pagkatapos nito magbabakasyon tayo at dapat kasama ka pati na ang inaanak ko.."

Nauunawaan ko naman siya. Sikat na sikat kasi siya at bihira ang bakasyon niya...

"Magbihis ka na ng makapagpahinga ka na.."

Tumango siya at humiwalay sa yakap niya. Ini-abot ko sa kanya ang kulay pulang damit. Another lingerie to wear.. sa kanya bagay ang kasuotang ito dahil maganda naman talaga ang hubog ng katawan niya at maganda rin pati ang mukha kaya marami ang mai-engganyo na bumili ng produktong ito...

Apat na oras pa ang lumipas bago natapos ang trabaho. Pagod na pagod si Victoria kaya nakatulog na siya sa sasakyan habang bumibiyahe. Nasa unahan siya nakaupo habang nasa likuran naman ako katabi ang kanyang manager. May sariling sasakyan ang manager ni Tori ngayon lang sumabay dahil panay ang sermon sa alaga. Hindi ako nakinig sa mga paalala niya hanggang pati si Tori ay nakatulog na..

Nakadungaw ako sa bintana ng tumunog ang telepono. Nasa bulsa ito ng pantalon ko..

Tita Deth's calling...

Love At First Sight  Book-2 (faded memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon