Kabanata 8Head
Hila-hila ko ang mabigat na maleta na naglalaman ng mga kagamitan niya. Hirap na hirap sa pagbubuhat habang nakasunod sa naglalandiang nasa harap. Natuyuan na ng pawis sa kakasunod. Halos umirap pa ng makita ang pagdausdos ng kaliwang kamay sa maliit na baywang ng babe niya.
Nabuhayan lang ulit ng loob ng matanawan na ang kanyang unit. Makakapaglakad na rin sa wakas ng walang mabigat na hinihila sa kamay.
"You didn't call, dapat pala naipasundo kita-"
Kitang-kita ko ang paghilig ng kanyang ulo sa dibdib ni Isaac. Nakakairita! Wala naman siyang ginagawang masama pero namumuhi na sa mga simpleng hawak niya.
"I want to surprised you... Did I surprised you babe?"
Namumula na marahil ang mukha hindi dahil sa nahihiya kundi dahil sa irita!
Buntong-hininga ang tugon niya sa babaeng nakalingkis ang mga kamay sa kanyang braso. Dapat matuwa ako dahil parang dismayado.. Napa-angat ako ng tingin.. Huminto sila sa paglalakad awtomatiko rin ang paghinto ko. Dahil nasa likuran lamang lahat ng kilos ay nasasaksihan.
Mariin siyang nakatitig sa babaeng sing puti ng bulak. The petite woman hold held breath while Isaac's caressing her cheek.
"I'll visit you."
Agad ang pag-iwas ko ng tingin dahil parang sinasakal sa kanyang pang-aalo.
Dapat ako 'to. Dapat sa akin siya naglalambing. Matagal ko na namang tinanggap na burado na ako sa kanyang alaala.. pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit ang sakit-sakit pa rin makitang naglalambing siya sa iba? Bakit minamahal ko pa rin siya? Kasi hindi na naman na dapat pa diba? Naka-ahon na siya. Kaya dapat maka-ahon na rin ako at tanggapin ko na, na nalimot na niya ako..
"But it's been week and I'm missing you.." Pumikit ang babae. He licked his lower lip still comforting her.
"I miss you too okay? Pero ayaw kong pati ikaw ay masali sa mundong kinabibilangan ko.."
Pero okay lang kung ako ang masali sa kanyang mundo? Okay lang na malaman ng lahat ng tao na nanging bahagi ako ng kanyang nakaraan? Ibig sabihin, hindi na niya ako pinapahalagahan? Dahil mayroon na naman siyang bagong minamahal...
Parang pinipiga ang puso ng patakan niya ng halik sa noo ang babae.
I looked away instantly. Masakit pa rin pala kapag nakikita siyang may minamahal ng iba.
Sa sakit na naidulot, nagpatiuna na ako. Tahimik akong tumalikod. Hindi ko makakayanan kung higit pa sa halik sa noo ang masasaksihan..
Mabigat ang dibdib ng marating ang pinto ng kanyang unit. Hinihintay sila na matauhan sa mahikang nakapaloob sa kanilang katauhan. I am biting my lower lip to divert my attention.
Ano, buong araw silang maglalambingan riyan sa tahimik na pasilyo? Oo at eksklisibo ang building na ito pero kahit na ba, paano kung may paparazzi na pala na nauna at lihim na silang kinukuhanang dalawa...
Hawak ko pa rin sa kamay ang mabigat na maleta. Nagtitiis na nga sa bigat nito, tinitiis pa, pati ang kabiguan ng puso!
Napaigtad ako ng masulyapan silang papalapit na. Nagkatitigan kami. Umigting ang kanyang panga sanhi ng paglunok.
"Para kang tuod diyan."
Anong problema niya? Siya na nga itong nakipaghalikan, ako pa ang sesermonan. Naku talaga, kung nakakaalala ka lang...
"Sino nga pala siya?"
This woman is really a goddess. Sa sobrang ganda nakapanliliit na.
Tipid ko siyang nginitian. Walang reaksiyon mula sa kanya. Pinasadahan lamang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...