Kabanata 7Babe
Nagtagal ng dalawang oras ang press conference na dinaluhan ni Isaac. Kasama ang sikat at iilang kilalang modelo. Si Tori ay kabilang din dito. Hanggang titigan na lang muna kaming dalawa at hindi pupuwedeng magkamustahan sa gitna ng maiinit na katanungang kanilang tinutugunan sa media.
"Hindi ka na ba naapektuhan sa mga ibinabato sayo ng karamihan? Binabansagan ka ng bratinella Tori, how can you handle it? I mean, nakakaya mong pagsabayin ang trabaho kahit sa kabila ng mga negatibong ibinabato sayo?"
Halos matawa ako sa kamalditahan ni Tori. Nakapagtaas na ng kilay hindi pa man natatapos ang tanong ng babaeng reporter...
"Why should I be affected by those narrow minded idiots?! I'm doing my very best to make my own money and not asking them for my needs. Kung ako sa kanila magsimula na rin silang mag-ipon para sa kinabukasan ng mga pamilya nila. Those kind of idiots should be thrown in the middle of hell..."
Singhapan at bulungan ang naulingan sa karamihan. Ako, dahil nakasanayan na ang pagiging prangka niya napatitig na lang sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata at agaran ang kanyang pagngisi. Ramdam ko na kaagad na may binabalak siya.
"Isang tao lang naman ang ayaw kong mawalay sa akin and that's my best of friend.. my former personal assistant.. but she wasn't my assistant anymore dahil may kumuha ng iba sa kanya.."
"Why did you let her go then?"
Isang lalakeng reporter naman ito sa ngayon. He was all ears. Naghihintay at masyadong halata sa pagiging interesante sa isasagot ni Tori..
"That's none of your business.."
Gusto ko na sanang sawayin sa mga pagtataray niya si Tori, ngunit kung gagawin ko naman baka mapunta pa sa akin ang usapan. Mauungkat ang lahat. Lalo pa at sa kay Isaac na nagtatrabaho.. magkakaroon ito ng higit na usapan at baka itanong kung bakit nasa kay Isaac na ngayon nagtatrabaho.
"Baka sumuko na siya at na realize niyang kinakawawa mo na siya masyado." Another reporter butt in. Lahat halos ng kapwa modelo nakatingin na kay Tori. Si Isaac tahimik lang. Walang pakialam sa gitna ng maiinit na mga katanungan.
"You don't know a thing. Huwag mo akong huhusgahan sa mga nakikita mo lang. I love my bestfriend and I love my inaa-"
Napatayo ako bigla. Sa ginawa nalipat ang titig ng halos lahat. Halata ba ako masyado? Nakita ko rin ang paglingon ni Isaac sa aking gawi. He just heaved a sighed. Humalukipkip, parang natutuwa sa aksiyong ginawa.
Sa kaseryosohan ng usapan mas lalo ko pang dinagdagan ang mga nag-aalab na kuryusidad ng mga taga tanong. Nagkamali pa yata ako. Sa kagustuhang maitago ang anak sa publiko ako na ang sasalo...
"Yes.. Miss?"
I licked my lower lip. Cameras were all flashing sunod-sunod hindi ko na halos maimulat ang mga mata sa sabayang pagkikislapan.
Nakakatakot na 'to. I was about to walked out from the crowded place.. pero may mga kamay ng humahawak ngayon sa palapulsuhan, sa gulat ko halos mabilaukan pa sa sariling laway. Isaac was holding me now. Pilit ikinukubli ang malaking katawan sa aking maliit na pigura.
"She needed to go to the bathroom. Don't make it a big deal.." His baritone make my brain cells froze. Baka mamaya maubusan na ng oxygen ang utak hanggang sa tuluyang mawalan ng ulirat.
"She's your new assistant now, Michael?"
Natahimik yata ang mundo sa tanong na ito. Dapat ba nanatili na lang ako sa tabi? Dapat ba hinayaan ko na lamang ang paghahayag ni Tori?
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...