Kabanata 4Ask
Laking pasasalamat ko ng pumayag siya sa pakiusap ko. Nakatitig lamang siya habang ako'y nasa paanan pa rin niya. Blangko ang ekspresyon ng mga mata. Walang pagpapahalaga at lalong walang pagmamahal na nakikita. He's just staring at me disgusted by my presence...
Lumapit si Luke akmang tutulungan ako pero kaagad na binara ng lalaking nasa harapan at ako'y labis na pinakakatitigan.
"Let her be. Hayaan mo siya sa kaartehan niya!" He spoke like I'm a trash.
Gustong-gusto ko siyang sigawan sa kanyang kapangahasan, sumbatan at paliwanagan.. pero kahit mga kaibigan niya ay hinahayaan lamang siya, siguro upang hindi magulo ang isipan niyang walang alaala ng nakaraan niya..
Naiintindihan ko, pero paano naman ang anak ko? Paano ko siya ipapakilala gayung labis ang pananabik nito sa kanya... Ang akala ng anak abala lamang siya sa trabaho kaya nauunawaan nito at iyon din ang parating habilin sa kanya.. hindi niya alam ang totoong kalagayan ng kanyang ama kaya nangangamba sa kanilang pagkikita.
Luke sighed. Ngumiti siya ng tipid. Ang misteryosong mga mata ay humihingi ng pasensiya.
Kagat ang labi ng tumayong mag-isa. Dahan-dahan ang ginawa. Masakit ang mga tuhod sa ilang minutong pagkakaluhod. Pinahid ko ang mga pawis sa noo. Nasulyapan ko ang paninitig niya kaya agaran ang pag-iwas ng tingin sa kanya..
Klaro sa paningin ang kanyang pang-iinsulto. Kung paano niya ako titigan at kung paano angatan ng kanyang labi para sa isang nakakainsultong ngisi.
Siguro nga, mukha na akong basahan sa kanyang paningin. Galing ako sa trabaho, naglakad pa sa gitna ng arawan, nakipaghabulan at tumakas sa security na nagbabantay at kani-kanina lang ay lumuhod pa sa kanyang harapan, nagmamakaawa na pagbigyan.
Pinasadahan niya ako ng tingin gamit ang mga matang mapang-alipin. Nanliliit ako sa sarili, I'm just wearing my gray shirt.. faded skinny jeans.. black doll shoes.. at ang hitsura ay hindi na kaaya-aya sa sobrang kapaguran. Ngayon, tama lang siguro na makaani ng mga insulto!
Nag-angat muli ng tingin at pinakatitigan siya.. wala akong balak sa una pero may nag-uudyok na tanungin siya kahit pa barahin niya!
I gulped and looked straight into his eyes. Nakakakaba at halos hindi na makahinga dahil purong kadiliman lamang ang nakikita.
Magsasalita na sana at kukumustahin siya ng-
"You're too plain.." Ang kanyang mga braso ay naka-ekis sa dibdib. Tila isang hari na hinahatulan ng kamatayan ang kanyang alipin..
"You sure we had sex? Nilagyan mo ba ng gamot ang inumin ko para matugunan ang pagpapantasya mo? Did you enjoy it?"
Kinilabutan ako ng humakbang siya. Malapit lang si Alex kaya agad ang paglapit. Napalunok ulit sa panibangong tahip ng dibdib.
"Man." Hinarangan siya ni Alex habang ako'y nasa kanyang likuran. Matangkad si Alex malapad rin ang katawan kaya natatabunan sa likuran.
Halos manginig sa mabalasik niyang titig.
"Nakipag-sex ka rin sa kanya Alex.?" Marahas at kuyom ang kanyang kamao ng titigan ako sa likuran ni Alex.
Bumuntong-hininga si Alex. Ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon niya. Kalmado at payapa pa rin ang puso.
"Pagkatapos ko sino pa sa inyo-"
"Stop it Man, stop insulting your girl.."
"Hilton." Matigas at madiin ang pagsalungat ni Nick kay Hilton.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...