Kabanata 10Higit
Namumungay ang mga mata ng pasadahan ako ng tingin ni James. Kabado ako, ngunit paninindigan ko na ang planong ito. Nagpapasalamat pa nga ako dahil sinasakyan niya ang mga kasinungalingan kong ito.
Kunyari.. iniiwas ko ang tingin sa kanya. Parang tangang baguhan bilang kapareha. Magaling din umarte si James. He sighed heavily and looked at me intently. Nahihiya ako. Parang matutunaw na sa kanyang mga titig..
He licked his lower lip. Nagulat ako ng dumapo ang kanyang kamay sa aking pisngi, and then he crouched more. Tinaasan ako ng kilay. Napasunod ako sa kanyang balak.. nakakahiya pero.. mag-iinarte pa ba?
"I'm sorry.." Sobrang sinsero nito, na kahit hindi totoo ay nadadala sa katamisan nito.
And because I am hurting sinasapuso ko na ang pagpapanggap na ito. Damang-dama ko ang mga titig ng dalawa. Gustong makita ang reaksiyon niya subalit gusto ring iparanas ang paninibugho sa kanya para magising na ang puso niya at ako ay maalala kahit limot pa rin ng isip niya!
Umiling ako. Ang nasa isip ay si Isaac at hindi si James. Alam kong mali ang manggamit ng ibang tao, ngunit titibayan ko ang loob para mapanindigan na lang ang pagpapanggap na ito!
"M-may kasalanan din naman ako.. s-sorry din.."
Pinariringgan ko siya!
Kahit hindi inaalala, kusang naglalaro sa isip ang mga kasabikan sa kanyang mukha, ang pagpapaligaya sa kanya ng babae niya!
Litong napatingin si James, pilit hinahanap sa akin kung saan nanggagaling ang sakit na nakapinta sa nag-dadamdam na mukha.
"No it was my fault.."
Ang galing niyang umarte, may pa-haplos pa siya sa aking pisngi, kaya naman ang pinipigilang hikbi ay tuluyan kong napakawalan kahit na ito ay pilit pang pinigilan.
"Kairita ka.." Tumunog pa ang ngipin sa sobrang irita, hindi para sa kanya kundi para sa kay Isaac naman talaga..
Dahil muling naglaro sa isip ang pagsubo ng kanya ni Gale.. nahampas ko pa si James sa kanyang dibdib!
Halos umatras pa dahil sa katigasan nito, but still continue..
"M-mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo, total naman at maraming babaeng nakapaligid sayo! Magsama-sama na kayong lahat, tamaan sana kayo ng kidlat sa kalandian niyo.."
Humikbi pa ako lalo. Sumipol si Hilton. Alam kung ramdam niya na si Isaac ang pinatatamaan!
"Hey.." Lumapit si James, kunyari ulit naiirita sa kanya kaya umatras na..
"No breaking up okay?" Ngayon, hawak na ulit ako sa baywang ang sipol ni Hilton ay tila pa nanunuya pero nananaway...
"Magsama kayo ng babae mo..!"
Tinulak ko ulit. Nakitaan ko ng katuwaan ang mukha ni James. Nasisiyahan pa yata sa iniaakto..
"There's no other woman.."
Nagpumiglas ako, kunwari si James nahihirapan na sa mga pagpapaliwanag niya.
"Sinungaling! Nakita ko kayo, higit pa sa paghahalikan ang ginawa ninyo! Nakakadiri ka, nakakadiri ka talaga!"
Sa galit ko sa kay Isaac, nabunton na kay James ang lahat. Totoong hampas na ang kanyang natatanggap. Hinahayaan niya lamang ako na mailabas ang hinanakit na itinatago sa dibdib.
"My fault okay..."
Hindi ko alam saan napagkukuha ni James ang ganyang klaseng arte. Ang galing niya kasi. Makatotohanan at tila totoong may alam.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...