Kabanata 2Crazy
Kabado ako, ngunit mas lamang ang pag-aalala para sa anak. Sa gitna ng mahabang traffic at sa nagsisiksikang mga sasakyan may ideyang gustong gawin.
Magagalit si Tori kung bababa ako at lalakarin ang establisyementong pinagta-trabahuan ng lalaking iyon!
Sa nagdaang mga taon inunawa ko siya. Walang galit na makapa sa puso para sa kanya kahit na nangungulila, subalit ng malamang paiba-iba siya ng babaeng dinadala sa condo niya unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa.
Pag-asang bumalik pa siya.. at pag-asang babalikan kami ng anak niya..
Huwag ko siyang susukuan?
Paano pa ako makikipaglaban, kung pati sa puso niya ay nabura na?
Walang saysay ang pakikipaglaban kung hindi lamang ang mga alaala ang napalitan kundi pati sa kanyang puso ay naglaho na rin ang pagmamahal..
I closed my eyes before opening the door. Magagalit si Tori pero ayaw kung malagay sa alanganin ang buhay ng aking anak.
Sunod-sunod na busina ang naulingan ng tumawid sa kahabaan ng abalang kalsada. May narinig pa akong nagmumura!
Binalewala ko ang lahat ng sigawan.. pikit matang naglalakad sa gitna ng kalsada. It's red light.. ano bang silbi ng galit kung lahat naman sila ay nakahinto dahil sa bigat ng traffic..
"Lily!"
Kumikinang ang kaputian ni Victoria sa ilalim ng matingkad na araw. Her paper white skin is glimmering under the brightest sun.
Sobrang mainit ngayon at ang ibinubuga ng araw ay walang-wala sa pag-aalala ng labis para sa kalagayan ng anak.
"Are you out of your mind?!" Singhal niya. Nanggagalaiti dahil nabibilad na sa tirik na tirik na araw!
Bumuntong-hininga ako. Alam kong nag-aalala din siya sa anak ko, and I'm very thankful for that, pero hinding-hindi niya mauunawaan ang pag-aalala ng isang ina para sa kanyang anak!
"Maybe yes," Mahinahon kong tugon. Dama na ng husto ang kabang lumulukob sa puso.
Inilibot ko ang paningin sa kahabaan ng kalsada. Walang pakialam sa mga natatanggap na bulyaw mula sa mga motorista.
"We can do this together.. don't you dare leave me here!"
Mas lalo pang nag-ingay at ang busina ng mga katabing sasakyan ay hindi ko na kaya pang pigilan.. Galit sila dahil nasa gitna kami ng kalsada at dito pa napiling magsagutan.
"Kaya mo akong sabayan sa pagtakbo?"
Umirap siya. Nakatayo lang ako at hinihintay na makalapit siya aking puwesto.
"Why not? Mahal ko ang inaanak ko at handang makipagdigma para madugtungan ang kanyang buhay. I hate you Lily.."
Naluha ako dahil hindi ko inaasahang nag-aalala din siya ng husto sa anak. Alam ko, mali ako dahil pinagdudahan ko, pero kasi... alam ko ang mga limitasyon ko.. may hangganan din ako at labis-labis na ang tulong niyang ito.
"Ano magtititigan na lang kayo riyan?!" Maitim na lalaki ang sumigaw. Isa rin itong motorista na naiinip sa bigat ng traffic.
"Let's go.." Inirapan niya ako. Mabilis na hinawakan sa kamay.
Hindi na nakapag protesta dahil sa mahigpit na hawak niya.
She's a famous model.. kaya naman malaki ang pasasalamat dahil sinusuportahan. Victoria is not an approachable person. Mahirap siyang pangitiin at mahirap ding mapaamo.. pero pinagkatiwalaan ako at naging malapit na kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...