Kabanata 6Secret
Isang linggo pang nanatili si Jay-R sa hospital. Maraming mga habilin ang doktor na sumusuri bago tuluyang pinayagan. Nakilala ni Jay-R ang mga kaibigan ng kanyang ama. Parati silang bumibisita, nagsasalitan kapag may oras. Nagiging malapit na siya sa kanyang ama, niyayakap niya ito, hinahalikan, na tinatanggap naman.. Hindi ko alam kong totoo ba ang kanyang ipinapakitang pagmamahal para sa anak. Hindi ko alam kung ang lahat ay parte lamang ng kanyang pagpapanggap.
Today, is my first day as his personal assistant. Nakahanda na ang lahat ng ka-kailanganin niya sa dala-dalang maleta. May kalakihan ito, mabigat. Marami akong dalang pamalit niya. Narito din sa loob ang ilan sa personal na mga gamit niya.
I sighed and scanned the living room of his condo unit. Kagabi pa nailipat ang ilang kagamitan sa condo niya. Halatang pinaghandaan niya na ang aking paglipat. Sa kabilang kuwarto ako nakaukupa, sa kanang bahagi. Sa totoo lang, nalulungkot ako. Na-mi-miss ko si Tori. Kung may pagpipilian lang sana. Kung puwede ko lamang sanang bawiin ang pakikipagsundo ko sa kanya.. at kung sana ay pagbigyan na lang na bumalik sa matalik na kaibigan.
Bago inihanda ang mga dadalhin sa trabaho nakapaglinis na ako. Maaga akong nagising. Alas-singko pa lang nakapagluto na. Nakapag-prito ako ng itlog, bacon at ham. Nagsaing na rin. Nang matapos sa pagluluto, nagwalis na kaagad sa sala. Kaunti lang naman ang duming nawalis. Tingin ko, may taga-linis siya sa kanyang condo. Malawak ang buong sala, hindi naman masyadong pagod sanay na naman ako sa mga gawaing ganito. Isa pa, hindi rin naman gaanong madumi ang condo niya.
Maaga pa naman, siguro tulog pa rin siya. Alas-otso ang oras ng pag-alis. Nakapag-usap na kami ng manager niya kasama siya. Kaya naman, naligo na ako at nakapag-ayos na rin ng sarili. Hindi pa nga lang kumakain. Nakakahiya naman kung uunahan ko pa. Amo ko siya at trabahadora naman niya, kabastusan naman kung mauuna pa akong mag-almusal sa kanya.
Marahan akong umupo sa upuan. Sa lambot parang nag-alinlangan at nahiya pa. Kumpleto sa kagamitan si Isaac, mamahalin ang mga brand. Natakot nga ako kanina ng punasan ko ang malaking flat screen television na narito sa sala.. pigil ang hininga habang marahang hinahaplos at pinupunusan. Mangha din ako sa nakakalat niyang mga larawan. Lahat kasama ang mga kaibigan. Nahanap ko rin ang isang litrato niya sa mga nakahilerang larawan naroon si Tita Elizabeth nakangiti at naka-akbay sa babaeng nasa gitna. Ang babae ay kaakbayan ni Isaac. Dahil sa nakita maraming gumulo sa isipan. Masyadong magkadikit ang kanilang katawan noong babaeng kasama sa litrato. Nobya niya ba? Kaagad nawalan ng gana sa mga masasayang larawang nakahilira.
The woman's smiling face made my heart crumpled. Kay aga-aga nawalan na ng gana. Winawaglit sa isip upang ibalik ang sigla dahil masyado pang maaga para ma badtrip sa nakita!
Tumayo ako. Maayos na itinabi ang maleta. Humakbang patungo sa salaming bintana. Inayos ko na at pinaghiwalay ang makakapal na kurtina. Mas lalong luminag ang buong sala. Sumisilip na ang araw. Itinaas ko ang kanang kamay, nasisilaw... nakangiti masaya sa paglapat ng sikat ng araw sa balat...
"What are you doing?"
Halos mapatalon ako sa gulat. Nakatalikod ako. Parang tangang humaharap sa kanya. Halos malalagutan na ng hininga sa nakikita!
Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng makita ang nakabalandra niyang katawan sa aking harapan..
Wala siyang saplot sa kanyang katawan tanging tuwalya lamang na nakapulot sa baywang! Pumikit ako, nakikinita ang tumutulong tubig mula sa kanyang buhok papunta sa malapad an dibdib. Hindi man lang naiilang!
His muscles were visible now, lalo pa sa tuwing pinapahiran ang buhok gamit ang isa pang maliit na tuwalya.
Nakita ko na naman ang lahat sa kanya, pero bakit hindi pa rin masanay sanay sa kanya?
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...