Kabanata 9Boyfriend
Hindi na ako dinalaw ng antok sa nasaksihan. Sumisikip ang dibdib kapag bumabalik sa isip ang kahalayang aking nakita. Paatras akong bumalik sa sariling silid. Mabigat ang dibdib, naghihimagsik ang puso at ang isip ay paralisado.
Nanghihina akong umupo sa kama. Nag-iinit ang sulok ng mga mata. Hilam sa luha pero hindi kumakalawa dahil ang sakit ay gusto lamang ipunin sa dibdib!
Kitang-kita ko at malinaw pa rin sa isip kung paano siya naliligayahan sa ginagawa ni Gale. Masakit isiping mas higit pa ang nangyari ng lisanin sila.
Puyat ako pero hindi ko inalintana ito. May tungkulin akong dapat na gawin. Naka- pirma sa kontrata. Nasasaktan man, tutupad pa rin sa usapan.
Nagluto ako ng almusal. Tocino, hotdog, bacon, ham, at fried rice ang inihanda sa hapag. Kung magrereklamo ang Gale na 'yon, tatahimik na lang sa tabi, hindi papansinin dahil hindi naman siya kaparte sa pinagta-trabahuan!
"Good Morning.."
Nahinto ako sa pagpupunas ng lamesa. Kaagad na kumulo ang diddib at hindi siya binalingan dahil kapag ginawa ko pa, bigla kong masinghalan!
"You're too early.."
Nahagip ng aking paningin ang pagdampot niya ng isang piraso ng tocino. Umismid ako.
Pagod na pagod ba? Ubos ang enerhiya sa pakikipagdigma kagabi? Naka-ilang rounds ba?!
Mas lalong tumindi ang galit ng humarap sa kanya. He's just wearing a black boxer briefs.
Lumunok ako hindi dahil nagaganahan sa nakikita, kung hindi ay pagpapatunay lamang ng isang mainit na laban sa nagdaang gabi!
Akala niya naaakit ako?!
Huh, nagkakamali siya! Naiinis ako sa kanya! At kung nakakaalala lamang siya, ngayon mismo, tatapusin ko ang pagiging ama niya sa anak ko!
Kinontrol ko ang galit. Mabilis ang paghinga dahil galit talaga!
"You cooked all of this?" Kumagat uli siya sa bagong dampot na tocino. Gutom na gutom?!
Malamang! Sino ba sa akala niya magluluto niyan? Iyong si Gale? E puro 'kain' lang yata ang alam gawin ng babaeng iyon!
"Kumain ka na?"
Sa kadaldalan niya ngayong umaga napilitan na ring titigan siya. Galit na galit ako, pero hindi pa rin mapigilan ang sarili na siya ay papurihan. His chiseled chest are a bit reddish.. may mga kalmot pang bakas! Pinanggigilan ba ni Gale?!
At ikaw naman sarap na sarap naman!
"Is there something wrong?"
Kumurap ako at biglang nag-alab ang pakiramdam. Ang lakas ng loob na magtanong. Kairita!
"Kumain na lang ho kayo.." Pinagpatuloy ko na ang naudlot na gawain. Panay pa rin pagpupunas ng lamesa ang ginagawa kahit na makintab na nga!
"Later, kapag gising na si Gale, magsasabay na lang kami.."
Wow.. napa-romantic naman.
"Tulog pa rin ho?"
Kunyari tunog concern, pero ang totoo, sinasabubutan ko na siya sa isip ko! Hinding-hindi ko hihintayin na maabutan ko pa silang sabay na kakain.. Naiinis ako!
Nandidiri!
"Yeah, napagod sa biyahe.."
Napagod sa biyahe o pinagod mo lalo? Madilim ang mukha. Sa kagustuhang makaalis sa lamesa apuradong nagpunas ng kamay at aalis na sana pero...
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...