Kabanata 3

219 14 3
                                    


Kabanata 3

Guest




Halos maestatwa na sa titig niya. Pati ang mga paa ay nag-ugat na, hindi maigalaw at tila nakisabay pa sa pagkaka-blanko ng utak.

Nandito na siya sa harapan... maraming salitang namumutawi sa isipan pero dahil sa nahihingkatakutan hindi makuha ang tamang salita para siya ay masumbatan kahit pa labis siyang pinangungulilaan.

He cut his long hair. Maikli na ang dating mahabang bubok niya. Ang bagong anyo ay dumagdag lang sa magandang kaanyuan. Ang mga matang mabalasik ay nakakalunod. Oo galit ako! Pero hindi ko maiwasang papurihan ang ama ng aking anak!

Napakakinis ng mukha niya. Pati leeg ay napuna ko pa. Napa-angat ako ng tingin ng umigting ang matigas niyang panga. I gulped and step backward. Naduduwag sa pakikipagharap..

Ang gwapo niya.. sobra-sobra..

I held back my tears. Gustong sugurin siya ng yakap pero kapag ba niyakap ko siya hindi niya ba ako itutulak?

"Who are you?"

Ang malamig niyang boses ay tila sumasabog. Napasunod ako sa galaw ng kanyang labi. His pinkish lip were still the same.. Ilang babae na kaya ang nahalikan niya ng mawala ang kanyang alaala? Mahigit sa libo na ba?

Lihim akong umiling. Nasasaktan kahit hindi naman niya alam. My heart aches in an instant. Kung ako nga na nakasama ay hindi na niya maalala.. paano pa kaya ang anak niyang hindi nakita mula sa simula?

"Call the security!" Dumagundong ang boses niya sa buong pasilyo.

Ang lahat ng nagtatrabaho ay nahinto at naki-usyoso.

"Hinayaan mong makapasok sa lobby ang mga baliw na ito Lindsay?"

Baliw?

Isa na akong baliw sa paningin niya?

Kung dati, sa akin siya.. nayayakap at nahahalikan ko pa..
Pag-mamay-ari na ba siya ngayon ng iba?

Mapait akong ngumiti..

Wala na.. nakalimot na pati ang puso niya.

"Nagpumilit po sila-" Halos maiyak na siya sa galit ni Isaac. Namutla habang iniilingan ang kanyang amo.

He look at the poor woman in a devilish way. Halos magtago na ang babae sa likod ng kanyang mesa dahil sa takot niya.

Napasunod ulit ako ng dilaan niya ang ibabang labi.

Namamangha ulit kahit galit. His biceps are screaming. Ang malaking pangangatawan ay hindi maitago ng puting polong suot, he looked like a hollywood actor. Mestisong-mestiso at napakagwapo. I am teary eyed but I can't take off my eyes on him! Nandito ako para hingan siya ng dugo para sa ikadudugtong ng buhay ng kanyang anak at hindi para mamangha sa kagandahang nakikita sa kanya!

He stepped forward. Tanaw ko ang mamahaling pantalong kanyang ini-indorso. Hapit ito sa kanyang mahahabang hita at bumabakat ang kanya!

His black boots reminds me of him when we were still together.. mga panahong naalala pa niya at minamahal niya...

Huminto siya sa harap ko mismo. He's towering over me. Nahihirapan na akong huminga dahil natataranta sa kanyang presensiya! Mula noon hanggang ngayon ay siya pa rin talaga!

"This is a bad dream.."

His jaw clenched again. Sa takot ko napahawak na sa mesang sinasandalan. People in the lobby were all ears. Lahat walang pinapalagpas. Nakatingin sa amin.. tulala at ayaw pang makalikha ng ingay sa takot na mapagbalingan..

Love At First Sight  Book-2 (faded memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon