Kabanata 5Hug
Mabuti-buti na ang pakiramdam ni Jay-R at humupa na rin ang kanyang lagnat. Panay ang tanong kung kailan babalik ang ama para bumisita. He was very happy when he learned about the arrival of his father. Hindi pa man nakikita ng personal nangingibabaw pa rin sa kanyang mukha ang labis na kagalakan. They didn't even meet yet, pero kung umasta parang matagal na niyang nakasama. Ang parati kong sinasabi sa kanya. Abala lamang ito kaya hindi sa amin makabisita.
"Paano na 'yan ngayon. Sino na ang magiging kapalit mo?"
Nanghihinayang din ako dahil kabisado na halos lahat ng trabaho. Masilan siya, mahihirapan ang bagong makukuha. Ayaw ko man, pero talagang kailangan.
Nahinto ako sa pag-aayos ng higaan. Tulog si Jay-R. Nakainom na ito ng kanyang gamot. Mahimbing ang tulog at bumabawi ng panibagong lakas para sa pakikipagkita sa amang matagal na nawalay..
Bumuntong-hininga bago sumulyap sa kanya. Nanghihinayang din naman ako, ang kaso hindi ko na mababawi pa ang pakikipagsundo sa ama ng aking anak. Mahirap ng bawiin baka kamuhian lang ako lalo nito.
"Real talk lang a," She rolled her eyes.
"Kahit weirdo ka dati, nahumaling pa rin siya sayo. Hindi ka nahirapang paibigin siya. Nakakainis ka dati e, maganda ka naman kahit may suot na malaking salamin sa mga mata, tapos ang baduy mo pa.."
Kinunotan ko siya ng noo. Maluwag na tinatanggap ang mga insulto dahil totoo naman ito, and she's my friend tanggap niya ang lahat ng mga kahinaan ko.
"Pero sa kabila na ka-weirdohan mo napaibig mo ng husto. Pagkatapos ngayon magiging personal assistant ka pa.." Pinandilatan niya ako ng mga mata.
"Ibig sabihin, parati mo siyang makakasama. Pupuwede ulit siyang ma-in love sayo.. Kung nakuha mo dati ang loob noon, to think na manang ka at weirdo, paano pa kaya ngayon? Maalam ka na sa mga bagay na hindi mo kinasanayan dati. Lalo kang gumanda ngayon at hindi na baduy.. lumayas na rin ang masamang espiritong sumapi sa pagiging weirdo mo.."
Natahimik ako sa mga opinyon niya. Nagkakamali siya. Malaking-malaki ang ipinagbago niya. Halos hindi ko na nga makilala sa ugaling ipinapakita.
"H-hindi na siya ang dating siya." I sighed again. Mahihirapan na akong paamuin siya sa pagkakataong ito. He became cold.. snob and ruthless.
"Paano mo nasabi? Kung mahirap paamuin bakit napapayag mo?"
Nahihiya akong sabihin sa kanya ang pagmamakaawa, manggagalaiti siya kapag nalaman ang dahilan ng pagpayag ng dating katipan...
"What did you do?" May pagdududa sa kanya. Nagtitimpi subalit kinakalma ang sarili.
Umiling ako. Nahihiya kung aamininin ba. Dapat ililihim ko na lamang. Kaya ko nga ba siyang paglihiman?
Humarap ako sa kanya. Her beautiful face is a bit reddish. Siguro epekto pa rin ito noong naglakad kami sa gitna ng arawan..
Sasagutin ko na dapat siya ng maagaw ang pansin sa teleponong tumutunog. Nasa bedside table ito. Agad nahagilap ng mga mata ang umiilaw na telepono. Si Auntie Deth nagpapahinga kaya paniguradong ibang tao ito..
Unregistered number ang tumatawag ayaw kong umasa at masyado pang maaga..
"Who's that?" Si Tori. Kuryoso at halatang naiinip.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Tori is setting on a single sofa. Binigyan niya ng buhay ang kulay itim na upuan. Her hair is freely flowing on her shoulders.. tuwid ang pagkakaupo. Ang mga mata ay nangungusap. Her pinkish lips are very kissable..
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...