Kabanata 11Break-Up
Nagising ako na hindi na sumasakit ang ulo, hindi na rin nahihilo. Sinipat ko ang alarm clock na nakapatong sa bedside table. Mag-aalas tres na ng hapon. Napahaba yata ang tulog ko.
Suminghap ako kasabay ng pangangalam ng sikmura. Hindi pa pala ako nakakapag-almusal, lumipas na rin ang pananghalian. Napabuntong-hininga ulit ako dala ng pag-iisip na, 'Hindi man lang ako ginising para kumain. '
Mainit, pati ang electric fan hindi man lang binuksan. Fully air-condition ang silid na kinauupahan, bukod pa rito ay may electric fan din, na siyang ginagamit.
Umalis kaya siya? Iniwan ako dahil natumba? Pero kung umalis siya, paano ang mga kagamitan niya? Sino ang nagdala?
Napahimas ako sa tiyan sa hapding dulot ng pangangalam. Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri. Binuksan ko ang cabinet at naghanap ng pampalit. Pawis na pawis pati ang noo sa sobrang init. Hinugot ko ang sleeveless blouse na damit. Kulay itim ito kaya nadepina ang kulay kremang balat. Naghanap ako ng cotton shorts.. ng walang maapuhap hinugot na lang ang maong shorts. Kumpiyansa akong walang tao dahil abot sa kuwarto ang katahimikan ng lugar. Inilugay na lang din ang mahabang buhok. Ng isinara ang cabinet napatitig muna sa sariling replika sa salaming nakadikit sa cabinet.
I smiled sweetly as I looked back at my reflection in the mirror. Mahaba na pala ang aking buhok, umabot na ito sa aking baywang. Mas lalo ring lumitaw ang kulay kremang balat sa kulay itim na suot na sleeveless... Pagod ang mga mata, sanhi siguro ng pagkakahilo. Namumutla rin ang may kanipisang mga labi. Siguro dahil na sa gutom ito. Pinasadahan ko rin ng tingin ang makinis na mga hita. Makinis, dahil minsan lang naman nagsusuot ng maiksi. Natatakpan ang balat ng mga mahahabang palda dati pa. Maiksi man ang suot na shorts, tiwala akong walang makakakita at ang bilugang mga hita ay para lamang talaga sa kanya. Bukod tanging siya lang ang pinahintulutang humawak at makakita, but for now, because I'm all alone in his condo hahayaan ko munang magmukhang modelo dahil wala namang ibang tao.. Muli pang sinulyapan ang sariling replisksiyon bago tinalikuran ang salamin..
Wala sa sarili ng sinarado ang pintuan ng silid. Halfway of the living room, I stiffened.. mali pala ako ng akala dahil nandito pala siya at hindi nag-iisa! Tahimik lang na nag-uusap. Parang nahilo pa ulit ng mamataan si James!
May reunion ba? Bakit nandito lahat sila? Maging si Gale ay tila pa nabuburyo sa pinag-uusapan ng grupo. Babalik na sana ako sa silid, ngunit huli na dahil nakita na ni Hilton! Kumurap ako at tila pa bumagal ang oras sa paglingon ng mga kasama niya.
Maikili ang maong na suot halos magkasing sukat na ito ng panloob! Malakas lang ang loob ko sa pag-aakalang nag-iisa, pero hindi pala dahil kumpleto sila at kasama pa, pati si James na boyfriend ko pala?!
Sumipol pa si Hilton. Nag-iinit ang pisngi sa sabay-sabay nilang pag-lingon. Lumunok ako parang makakatanggap ng komento!
"A-akala ko.." Napadila ako sa ibabang labi.. pilit pang ngumiti kay Hilton.. "A-akala ko walang tao.." Pagpapatuloy ko.. "A-ang tahimik kasi.."
Bakit ba sila titig na titig at si Hilton sumipol pa! Kaasar!
"Whoa.. Are you a goddess now?"
Goddess?
Goddess, ng mga aswang siguro, hindi na nga nakapagsuklay ng buhok ko!
Hindi ko alam kung nilalait ba ako o inaasar ni Hilton...
Bahala sila kung anong i-ko- komento gutom na gutom na ako! Bahala sila kung lumuwa mga mata katititig sa maiiksing binti! Pero... hindi naman maiiksi a, hindi lang din masyadong mahahaba ang mga ito.. Huh, bakit ba, wala naman na dapat akong patunayan sa kanila?!
BINABASA MO ANG
Love At First Sight Book-2 (faded memories)
RomanceKung nakakalimot man ang isip, kasabay din bang nakakalimot ang puso? Kung ang lmga alaala ay nababaon at hindi na kayang maibalik, pati ba ang pagtibok ng puso ay hihinto? Maubos man ang mga alaala at kalimutan man niya.. Hindi pa rin ako mawawalan...