Pangit Problems #16: Vengeance

338 29 5
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Please remember to VOTE and leave a COMMENT. Have fun reading ❤️

_____________________________





Nasa harap na ako ng classroom. Ang totoo kasi niyan, kanina pa ako nandito kaso hindi ko alam kung anong entrance ang gagawin ko.





Nakakatakot kasi si Kolokoy eh. Lalo na kapag walang valid reason kang mabibigay kung bakit na-late ka sa klase niya.





Kapag nakatingin ako kay Kolokoy, naaalala ko bigla si Grey. Bigla na namang uminit ang ulo ko. Hmph.





Hmm? Ano kaya ang valid reason ko na tiyak na mapapaniwala si Kolokoy...





Mas lalo naman siyang magagalit kapag may dala akong Turon kaya hindi ko 'yon magagamit pang-excuse ko.





Kung sabihin ko na lang kaya... HALA! OO NGA! TAMA, 'YON NA LANG ANG IDADAHILAN KO! ANG GALING KO TALAGA!





I'M THE BEST, AMONG THE REST!





ALL HAIL, ELLIOT!





Huminga muna ako nang malalim at binuksan ang pinto papuntang kuta ng demonyo. Nakaisip na kasi ako ng magandang valid reason kaya confident akong pumasok sa loob.

Nang Ngumiti ang PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon