Please remember to VOTE and leave a COMMENT. Have fun reading ❤️
_____________________________
Nakakabingi ang katahimikan ng paligid na para bang may dumaang anghel sa pagitan naming dalawa ni Kiel.
Sa bawat kwento ni Kiel patungkol doon sa vase, bumibilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko sana siya tanungin kung bakit alam niya ang mga bagay na 'to. Pero may parte sa akin na ayokong marinig ang sagot niya.
Dahil natatakot ako, na baka pati siya ay kabilang sa "Northwoods family" na tinutukoy niya.
Malaking tulong din ang kwentong binahagi ni Kiel sa akin. At least, ngayon, alam ko na kung ano ang pina-plano ng Amadeuss. Hindi ako sigurado pero wala namang mawawala kung magiging alerto ako.
"Nakatanggap ka rin ba ng invitation?"
Kanina pa nangangati ang dila ko para itanong kay Kiel ang nasa utak ko. PERO WALA AKONG LAKAS PARA TANUNGIN SIYA NG GANO'N!
First time namin magkita tapos ganito agad ang topic namin, gosh!
Nanatili lang ako nakatitig kay Kiel, ibubuka ko na sana ang bibig ko nang inunahan niya ako magsalita.
BINABASA MO ANG
Nang Ngumiti ang Pangit
General FictionBruha, Shunga, Pangit, Mukhang Pwet, at iba pa. Iyan lang naman ang mga panlalait na pinipintas nila kay Elliot. Sino ba naman kasing normal na tao (hindi kabayo) ang magsasabi ng "Ang ganda mo," eh kung daig pa niya ang taong grasa sa sobrang kapan...