Please remember to VOTE and leave a COMMENT. Have fun reading ❤️
_____________________________
Nanatiling nakapako ang paningin ko sa anino ni Grey hanggang tuluyan na itong naglaho. Gusto ko man siya habulin, hindi ko magawa dahil sobrang daming mga estudyante ang nakapaligid dito sa center hall.
Mahirap na ring makahabol kung gustuhin kong habulin siya, sa haba pa naman ng biyas ng isang 'yon, tiyak na nakalayo na siya ng center hall. Kumpara sa biyas ko, isang hakbang ko lang ay katumbas na sa limang hakbang ni Grey.
Malakas ang kutob ko na sa classroom dumiretso ang demonyo. Kung hindi sa classroom, sa usual tambayan niya na wala akong ideya kung saan iyon.
Kinapa ko ang bulsa ng paldang suot ko, nagbabasakaling tumunog ang cellphone, pero laking dismaya ko nang hindi pa ito tumutunog mula kaninang umaga.
May parte sa akin na nag-aantay sa mga text niya na naglalaman ng kung anu-anong gusto niyang ipabili, ipautos at iba pa.
Hindi ko inaasahan na ang laki pala ng epekto sa akin ang kakaibang kilos na pinakita sa 'kin ni Grey. Ilang buwan ko na rin siya nakasama, pero ngayon lang siya nagkaganito.
Hays, ano ba kasing problema ng isang 'yon? May nagawa ba akong mali? Galit ba siya?
BINABASA MO ANG
Nang Ngumiti ang Pangit
General FictionBruha, Shunga, Pangit, Mukhang Pwet, at iba pa. Iyan lang naman ang mga panlalait na pinipintas nila kay Elliot. Sino ba naman kasing normal na tao (hindi kabayo) ang magsasabi ng "Ang ganda mo," eh kung daig pa niya ang taong grasa sa sobrang kapan...