Please remember to VOTE and leave a COMMENT. Have fun reading ❤️
_____________________________
Tahimik akong hinahanda lahat ng mga gamit na kakailanganin bukas sa paaralan. Matapos akong ihatid ni Grey dito sa barrio Diyosa, sinimulan ko na gawin ang mga takdang-aralin na ipapasa para bukas.
Kumuha ako ng isang basong tubig na makaramdam ako ng uhaw at ininom iyon. Napangiti ako ng maalala ang lasa ng Java Chip Frappuccino na libre ni Grey sa akin kanina.
Ang totoo kasi niyan, naka tatlong order ako nu'n hehehe. Minsanan lang magpakita ng mabuting asal ang demonyo kaya nagpapasalamat talaga akong nakita ko siya sa coffee shop.
Napabuntong hininga na lang ako nang isa-isang nagsibalikan sa ala-ala ko ang mga pangyayaring hindi ko pa rin magawang kalimutan.
Argh! Bakit mo ginugulo ang isip ko?!
"Anak."
Napabalik lang ako sa reyalidad nang tawagin ako ni mama. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at sumalubong sa 'kin ang nag-aalalang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Nang Ngumiti ang Pangit
General FictionBruha, Shunga, Pangit, Mukhang Pwet, at iba pa. Iyan lang naman ang mga panlalait na pinipintas nila kay Elliot. Sino ba naman kasing normal na tao (hindi kabayo) ang magsasabi ng "Ang ganda mo," eh kung daig pa niya ang taong grasa sa sobrang kapan...