Pangit Problems #29

131 14 0
                                    


Please Don't forget to Vote and Comment. Enjoy reading
_____________________________





Pinakinggan ko pa nang maigi ang tibok ng puso ko na para bang walang tigil sa pagtibok na parang karera na ng mga kabayo.





Pinapakiramdaman ko pa kung pati ba ang mga tao sa paligid ko ay naririnig ang pintig nito.





Nakahinga naman ako nang maluwag nang malaman kong hindi pala nila ito naririnig.





At doon lang ako napabalik sa reyalidad nang namataan ko ang dalawang nanlilisik na mga mata ng aking pinakamamahal na nanay sa balat ng lupa.





BAKIT NAWALA SA ISIP KO ANG AKING MAMA?





ANONG KLASE BA AKONG ANAK?





HINDI DAPAT AKO TANGGAPIN NG GANITO!





KAILANGAN KONG MAPARUSAHAN!





Agad akong tumayo sa pagkakasalampak ko at pumunta sa bintana, iwinasiwas ko ang kurtina at tsaka ako umapak. Nagbabalak na sana akong tumalon pigilan ako ni mama.





"WALANG HIYA KA TALAGA BATA KA! O SIGE, TUMALON KA! KAPAG NAMATAY KA, PAPATAYIN KITA!"





Hindi pala ako pinigilan, nagkakamali ako.





Bakit ba ganito si mama?





Ngumiti ako sa kanya at tinaasan lang ba naman ako ng kilay! Kailan natuto si mama ng ganitong pakikitungo sa anak?





Inner Self: Ghorl, h'wag mag reklamo! Bad influence ka kasi kaya ayan pati mother mo na mismong nagluwal sa 'yo, ginaganyan ka na. Tsk tsk. Bad Influence, H'wag tularan!





Mabilis pa sa alas quatro akong bumalik sa dating kinasasalampakan ko. Lumapit at lumuhod ako sa harapan ni mama habang iniisa-isa ang mga natamo niyang sugat sa katawan.





Nakaupo ngayon si mama sa kama. Nasa tapat lang naman ng pintuan ang kama, mga ilang kilometro lang naman ang layo nito. Nasa tabi naman nito ang bintana na muntikan ng maging saksi sa pagkamatay ng isang alamat na ngangangalang Elliot Lewis, buti na lang at hindi ako namatay hehehe.





Buhay na buhay kaya ako!





Sa mga tao diyan na nadismaya, well sorry, not sorry! *evil laugh*





Hindi pa ito ang time ko para mamaalam, tandaan niyo iyan. Kung sakaling oras ko na, 'wag kayong iiyak ah at 'wag niyo rin ako kakalimutan—EHHHH?! ANO BA ITONG PINAGSASABI KO?!





DUH! Kung sunduin man ako ng kamatayan. Maski si kamatayan ba iyan o kahit na sino, walang talab 'yan sa isang tulad ko!





Oo! Sa isang tulad ko! Elliot ata ito!





Dahil na occupied ang utak ko ang walang hiyang Grey na 'yon, hindi ko agad napansin ang kalagayan ni mama. At ngayon naman, na occupied naman ng kamatayan ang utak ko.





Bakit ang bilis ko na ma distract sa mga walang kwentang mga bagay na ito? Sa pagkakaalala ko, noong sinaunang panahon—este noong bata pa ako, wala akong pake sa paligid ko.





Pero may pake naman ako sa itsura ko kahit papano, okay?





Bumalik na lang ulit ako sa katinuan nang sampalin ako ni mama.





Nang Ngumiti ang PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon