Please remember to VOTE and leave a COMMENT. Have fun reading ❤️
_____________________________
Ilang linggo na rin ang nakakalipas at malapit na ang periodical examination namin. Ilang tulog na lang at parating na ang panibagong delubyo ng buhay ko. Hindi naman ako natatakot dahil sanay na ako sa mga exams at fortunately, nakakapasa ako.
Pero kinakabahan ako para kay Grey. Siya lang talaga ang inaalala ko! Sa sobrang baba ng grado niya sa previous records niya, talagang mahihimatay ka kapag dumating na ang results ng examination.
Ginawa ko naman ang best ko para turuan siya nang bongga pero lalo akong kinabahan nang kinausap niya ako ng one on one. Ikaw ba naman ang pagbantaan kapag hindi siya makapasa sa exam, tsk!
Sinabihan niya kasi ako na...
"Humanda ka sa 'kin kapag hindi ako nakapasa. Simulan mo na ang pagdadasal sa lahat ng mga santo o kahit kay bathala o kay buddha dasalan mo na rin. MARK. MY. WORDS."
Oh, see? Ang dami niyang pakulo. Ano sa tingin niya sa 'kin? Si genie, para bigyan siya ng three wishes? Pakialam ko sa kanya.
Hindi ba dapat kasalanan niya kapag bumagsak siya? Hindi niya kasi inintindi lahat ng turo ko eh. So, kasalanan niya dapat at hindi ako!
BINABASA MO ANG
Nang Ngumiti ang Pangit
General FictionBruha, Shunga, Pangit, Mukhang Pwet, at iba pa. Iyan lang naman ang mga panlalait na pinipintas nila kay Elliot. Sino ba naman kasing normal na tao (hindi kabayo) ang magsasabi ng "Ang ganda mo," eh kung daig pa niya ang taong grasa sa sobrang kapan...