Pangit Problems #4: Contract

1K 311 324
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Please remember to VOTE and leave a COMMENT. Have fun reading ❤️

_____________________________





Maaga ako gumising ngayon, hindi dahil gusto ko, kundi mahal ko pa ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung bakit sa tuwing tumatawag si Grey sa 'kin ay bigla na lang akong kinakabahan. Pag-ring pa nga lang ng cellphone, nangangatog na agad ang mga tuhod ko.





Ilang linggo na rin ang nakakalipas at nakilala ko na ang misteryosong "MR. HOWARD" nila. At ngayon, nagsisisi ako kung bakit pumayag ako sa offer ni Mrs. Manalo.





Hay nako, kung alam niyo lang, 'yon na ang araw na kinasusuklaman ko sa buong buhay ko. Nakakainis kasi, mahigit tatlong oras akong nakaupo sa office ng principal para antayin siya.





Ang aga-aga ko pa ngang pumunta ng Northwoods para sa kanya, tapos ito... ITO ANG IGAGANTI NIYA?! Oh, tignan niyo ngayon, kung makatawag siya sa akin, wagas na para bang wala nang bukas.





Akala niya siguro secretary niya ako, noh? Hmp. Ano ako? All around? Mukha mo! Sa pagkakaalam ko lang, pumirma ako sa kontrata na nagsasabing tutor niya lang ako at wala ng iba.





Eh, bakit ngayon?! Pati bahay nila pinapalinis na rin sa akin! Nakakainis ka Grey! Hindi-hindi ko talaga kakalimutan 'yong araw na pumirma ako ng kontrata.





Nang Ngumiti ang PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon