Please Don't forget to Vote and Comment. Enjoy reading ❤
_____________________________
Para akong nasa isang malaking kulungan na ako lang ang tao. Nakakandado rin ang mga rehas nito. Walang ilaw, at kahit na ano. Tiyak na hindi ako makakalabas kung ano man ang gawin ko rito.
Sobrang dilim...
Wala akong makita...
Nakakatakot...
May mga boses at tunog na paulit-ulit kong naririnig. Walang tigil, at walang hinto. Sobrang sakit na sa tenga kahit takpan ko pa ito.
Ang mga boses ng mga taong nanghihingi ng tulong. Ang mga tunog ng yabag ng kabayo. At hindi mawawala ang mga iyak at sigaw ng mga taong nagbabasakaling mapakinggan ko ito.
Gusto kong makaalis dito. Ayoko rito...
Agad akong tumakbo. Tumakbo nang tumakbo, nagbabasakaling hindi ko na marinig ang mga daing ng mga tao.
Ayoko...
Tama na...
Bakit ko ba ito naririnig?
ANO BANG NAGAWA KO AT BAKIT SA AKIN KAYO HUMIHINGI NG TULONG??!!
Sino ba kayo?
Bakit pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kung kaya't hindi nila ako tinatantanan...
Bakit pakiramdam ko malalapit sa akin ang mga taong ito?
BINABASA MO ANG
Nang Ngumiti ang Pangit
Fiksi UmumBruha, Shunga, Pangit, Mukhang Pwet, at iba pa. Iyan lang naman ang mga panlalait na pinipintas nila kay Elliot. Sino ba naman kasing normal na tao (hindi kabayo) ang magsasabi ng "Ang ganda mo," eh kung daig pa niya ang taong grasa sa sobrang kapan...