Ako si Elliot Lewis,
Kilala ako sa lugar namin dahil sa tuwing lumalabas ako ng bahay, daig pa ang riot sa sobrang gulo. Paano ko nasabi? Simple lang, tuwing lumalabas kasi ako nang bahay, nagmamadali na silang kuhaan ako ng litrato. Hindi dahil sa maganda ako, kundi pangit ako. Oo, PANGIT ako. Daig ko pa ang sumabak sa World War II sa sobrang kapangitan ko.
Lahat na yata ng panlalait ay naranasan ko na. Magugulat na lang ako kinabukasan dahil nakapaskil na ang pagmumukha ko sa pader ng barrio namin. Alam niyo ba kung ano ang nakasulat doon? Syempre hindi pa.
Ito kasi iyon...
WANTED
DEAD OR ALIVE
ELLIOT a.k.a BABAENG BRUHA/SHUNGA
PARANG AWA MO NA, MALIGO KA NA!
Araw-araw ganyan ang nararanasan ko, kaya nasanay na rin ako kahit papano. Pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag pumasok na ako ng paaralan. Dito pa nga lang sa barrio namin ay mala-impyerno na ang nararanasan ko. Paano pa kaya roon?
Dapat ba akong matuwa?
O
Dapat ba akong kabahan?
Sana kayanin ko lahat ng ito...
Kakayanin ko nga ba talaga?
#PangitProblems
BINABASA MO ANG
Nang Ngumiti ang Pangit
General FictionBruha, Shunga, Pangit, Mukhang Pwet, at iba pa. Iyan lang naman ang mga panlalait na pinipintas nila kay Elliot. Sino ba naman kasing normal na tao (hindi kabayo) ang magsasabi ng "Ang ganda mo," eh kung daig pa niya ang taong grasa sa sobrang kapan...