Pangit Problems #28

318 27 6
                                    





Please Don't forget to Vote and Comment. Enjoy reading

_____________________________





Elliots's POV





Tinignan ko ang paligid at nalaman kong nasa ospital na pala ako. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla na naman itong kumirot.





May dala na rin si Grey na pagkain at kanina rin dumating 'yung doctor para i-check ang pulse ko at kung ano-ano pa.





Sabi ng doctor, dahil sa stress kaya ako nakakaranas ng ganito. Napaisip naman ako bigla, stress nga ako lalo na nung nanaginip ako.





Kumakain ako nang tahimik nang magsalita itong mokong.





"Binabangungot ka kanina. Buti naman at nandito ako, kung hindi, pinaglalamayan na kita."





Galit na binagsak ang kubyertos at awtomatikong napalingon sa kanya. Prenteng nakaupo sa silya habang nagbabasa ng mga magazine.





Punyeta ka!





"Totoo nga sinabi ko! Papatayin nga nila ako! Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan, huh? HUHUHUHUHUH!"





Huminga siya nang malalim at para bang bored na bored akong kausapin. Paglipat niya ng pahina sa magazine tinanong niya ako kung sino 'yung papatay sa 'kin. At buong galak naman ako sumagot.





"Mga guwardiya!"





At bigla lang siya tumawa.





Psh. Bwisit ka talaga.





Hanggang ngayon tumatawa pa rin siya. Hindi ko maitindihan kung bakit ayaw niyang maniwala sa lahat ng kuwento ko.





Hindi ba kapaniwala-paniwala lahat ng kwento ko? Hays HHUHUHUHUH.





Kinuwento ko kasi sa kanya lahat maliban lang sa nakita ko sa panaginip ko si Kiel my babes at ako mismo 'yung bata.





Hays, makakain na nga lang.





Sinulyapan ko si Grey na bumalik ulit sa pagbabasa sa magazine. Ngayon ko lang naalala na itanong sa kanya kung bakit ako nandito.





"Psst! Bakit ako nandito?"





"Nahimatay ka."





"Ahh."





Napatango na lang ako. At pagtapos nun, wala ng nagsalita sa 'ming dalawa. Bumalik na lang ulit ako sa pagkakahiga, at napatingin na lang sa puting kisame ng kwarto ko.





Hindi pa rin mawala sa utak ko ang karumal-dumal na pagpapatay sa mga batang babae, pati na rin ang mga inosenteng mga tao sa palasyo. Tsaka kung bakit ako nandoon.





5 years old ako sa oras na 'yun kaya hindi ko pa kilala si Kiel pero bakit—? HAYS! SAKIT SA ULO!





Napasabunot na lang ako sa ulo. Makatulog na nga lang.





Pipikit na sana ako nang biglang may pumasok sa utak ko. Napabalikwas na ka'gad ako sa higaan na siyang ikinagulat ni Grey.





"SI MAMA! ASAN SIYA? LIGTAS SIYA DIBA? SAGOT!"





Nang Ngumiti ang PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon