Pangit Problems #27: A Powerless Pawn

187 21 1
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





Please remember to VOTE and leave a COMMENT. Have fun reading ❤️

_____________________________





Elliots's POV





Sobrang dilim ng paligid, wala akong makitang kahit na ano. Tanging liwanag lang na galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw ng dinanaanan namin.





Hindi ako pamilyar sa lugar pero ang alam ko lang ay napapalibutan kami ng matataas na mga talahib dahil sa talim nito at nakakasugat sa balat.





Napatingin ako sa kamay ko na hawak at hila-hila na ngayon ng hindi ko kakilalang tao. Napansin ko rin na maliit ang kamay kumpara sa normal na hugis nito.





Tumingin din ako sa katawan ko para kumpirmahin ang hinala ko.





Hindi nga ako nagkamali...





Ang hugis ng katawan ko ay para bang bumalik ako sa edad na lima.





Pinagmasdan ko ang paligid ngunit sumuko rin nang wala talaga akong makita dahil napapalibutan kami ng dilim. Patuloy lang kaming tumatakbo para makalayo sa lugar kung saan kami nanggaling.

Nang Ngumiti ang PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon