Please remember to VOTE and leave a COMMENT. Have fun reading ❤️
__________________________
Mahigit isang buwan na rin ang nakakalipas at sa mga araw na iyon, lagi kong napapansin na umiiyak parati si mama na hindi ko naman alam ang dahilan ng pag-iyak niya. Basta laging sinasabi lang ni mama, "okay lang ako, anak".
Pero hindi naman ako t*nga para isiping ayos lang talaga siya.
Sa panahon kasi ngayon, marami na ang nagpapanggap na okay lang sila, pero ang totoo riyan, tumingin ka lang sa mga mata nila, at doon mo lang makikita ang tunay na nararamdaman nila.
Sabi nga nila, ang mata lang ang hindi nakakapagsinungaling sa anumang parte ng katawan natin. Dahil ang mata ang siyang nagbibigay ng hint kung ano nga ba ang ang nasa puso natin.
"Anak, heto ang baon mo, kumain ka nang marami ah, pakabusog ka. Ayokong makakarinig na hindi ka kumakain."
Sermon nang sermon si mama habang inaabot sa akin ang pera na para sa baon ko. Sa loob ng isang buwan, marami ang nagbago, matapos makatanggap si mama ng isang misteryosong invitation. Tulad na nga lang ngayon, hindi ko nga alam kung bakit lagi na akong sinesermunan ni mama.
Inner Self: Over protective lang siya sa'yo, ghorl! Ang bobo mo raw kasi at clumsy pa!
BINABASA MO ANG
Nang Ngumiti ang Pangit
General FictionBruha, Shunga, Pangit, Mukhang Pwet, at iba pa. Iyan lang naman ang mga panlalait na pinipintas nila kay Elliot. Sino ba naman kasing normal na tao (hindi kabayo) ang magsasabi ng "Ang ganda mo," eh kung daig pa niya ang taong grasa sa sobrang kapan...