Elaine
"Kailan darating yung rescue team?" Tanong ko matagal na akong nakaposisyon dito nangangawit na ang katawan ko. Naririnig ang mga iyak ng iba kong kaklase.
"Ang tagal sina Mika na maghanap ng tulong." Sabi ni Jason. biglang gumalaw ang bus.
"Ssshhhh..."
Nakita ko sa isang bintana na may ilaw. hinihila kami ng isang sasakyan papataas. sawakas dumating na ang mga rescue team ang tagal namin naghintay binakbak ang isang parte ng bus at isa isa kaming napalabas.
Naririnig ang iyakan noong nakalabas na kami, lumapit ako kina Julia at Michelle.
"Naku malalim yang sugat mo!" Napasigaw ako noong nakita ko ang paa ni Michelle na may hiwa.
"Masmasakit ang dinanas natin kumpara sa sugat na ito." sabi niya wala akong maisagot at umalis na lamang ako. nagkasugat ang mga iba sa ibat-ibang parte ng katawan. buti ako wala akong sugat masakit lang ang pangangatawan ko, lumapit ako kina Ruiko at Misaki na nakaupo may ilang gasgas rin sila sa katawan.
"Elaine dapat matapos na ito, pero naaawa ako sayo dahil nadamay ka pa..." Sabi ni Misaki.
"Ayoko pang mamatay... may pangarap pa ako." Naiiyak na sabi ni Ruiko.
"Paano natin mapapatigil ito?" Tanong ko sakanila.
"Elaine pasensya na ayoko itong pag usapan ngayon medyo mabigat ang pakiramdam ko." Sabi ni Misaki.
"Elaine ako muna ang bahala sakanya punta ka muna kina Jason at pagusapan niyo ito sabihin mo nalang saamin pag nakabalik na tayo." sabi ni Ruiko.
Umalis nalang ako at linapitan ako ni Lurrane.
"Hindi pa nakakabalik sina Touma, Mika, at Xera nasan na kaya sila?" sinabi niya saakin.
"Halika tanungin natin sa mga pulis." tinanong namin sa isang pulis at kinuha ang kanyang walkie-talkie.
"May tatlong bata pa na naiwan humanap ng tulong hanapin niyo sila."
Tumakbo papalapit saakin si Rose.
"May dalawang tao daw na natagpuang patay." sabi niya.
"Ito na nga ba ang kinatatakutan ko."
dumating na ang sasakyan na susundo saamin pabalik ng school. Ayoko na yatang mag bus o kahit anong sasakyan pagkatapos nun.
Pumasok na sa loob ang mga estudyante at may binubuhat na puting bagay. hindi pa ako umaakyat ng bus at patuloy ko itong pinagmamasdan. tinanggal ng mga pulis ang damit na puti na nakapalibot at nakita ko ang mukha ni Xera nakadilat ang kanyang mga mata at may dugong lumalabas at kitang kitang ang kanyang mga ugat sa mukha.
may nahulog na bilog sa puting bagay at gumulong ito hanggang sa aking harapan.
"AGH!" Sumigaw at umiyak ako napaupo at tumalikod at nagsimula na akong sumuka, dahil ang bagay na gumulong ay ang ulo ni Touma.
may mga narinig akong tumatakbo papalapit saakin at binuhat ang ulo at ibinalik sa puting damit.
tuloy parin akong sumusuka at nakita ako ng isang medic.
"Ms. Okey ka lang? halika pasok ka na sa bus." sabi niya.
Pagpasok ko sa bus nahilo na ako at natumba.
Jason
"Mamang pulis ilan po ang natagpuang patay?" tanong ko sa isang pulis.
"Dalawa punta ka na bawal ka mag stay dito umuwi ka na." sagot niya.
Nasan si Mika? sana ligtas siya.
Ilang beses na ito nangyari marami na ang nawala sana naman matapos na pati kaibigan namin nadadamay pati narin si Elaine na kalilipat lang. hindi naman kasi namin kasalanan yun eh.
Nung umakyat ako sa bus lahat ay nakatulog na at umandar na ang bus nakatingin ako sa bintana.
sana mahanap nila ng buhay si Mika isa siya sa matalik kong kaibigan hindi ko hahayaang makuha rin siya ni Therese.
Nakarating na kami sa school at naglakad na kaming lahat pabalik ng dorms wala kaming pasok ngayon dahil 6:00 A.M na nang makarating kami.
Nang nakarating sa dorm nagshower agad ako inutusan ko si Francis na magbantay sa labas para... makakasiguro. Syempre takot na kaming lahat and I bet na ganon rin ang gagawin ng mga iba lalo na ang doormmate ni Touma at Xera.
------------------------------------------------Next chapter-------------------------------------------
BINABASA MO ANG
I C U
Mystery / ThrillerSi Elaine isang normal na mag-aaral na pumasok sa isang malaking pribadong paaralan. Subalit hindi maganda ang kanyang madaratnan kasi sunod sunod ang pagkamatay ng kanyang mga kaklase at kaibigan. Sino kaya ang gumagawa nito? Galit ba na espirito n...