Sa ospital

73 0 0
                                    

JULIA

Biglang napahiga si Elaine at nakita ko na may kutsilyong nakasaksak sa kanyang dibdib. "Elaine!" wala akong magawa naka akbay pa rin saakin si G. Feng na mukhang hindi makagalaw, may tatlong sugatan sa harapan ko, wala akong galos o ano, pero ano ang gagawin ko? hindi ko sila kayang akbayin ng sabay sabay, pero pag wala akong gagawin lahat sila mauubusang ng dugo. Tama! ambulansya ang makakatulong saamin, kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at susubukan kung tawagan ang ospital para magpadala ng  ambulansya. *992* *Dialing...* may sumagot! "Hello po kailangan po namin ng tulong tatlong sugatan, malala andito po kami sa-" 

Biglang parang tunog ng radyo ang naririnig ko. "Ki....l....a....k....ka....o....ta...bo." hindi ko maintindihan, pero nakakakilabot yung boses na narinig ko, binaba ko yung cellphone ko at tinignan ang naka dial, *Therese* "Anong?! wala ka sa contacts ko wala!"

"Argh!" napaupo ako ng biglang sumabog ang cellphone ko ang ibang matutulis nitong bagay ay napunta sa kamay ko, ngayon lahat kami sugatan.

"Julia, itakbo mo si Elaine bilis!" hirap na sigaw ni Jason. "Pero, paano kayo?" tanong ko sakanya.

"Huwag mo kaming intindihin basta tumakbo na kayo alalayan mo siya kung hindi mamamatay tayong lahat dito, takbo bilis!"

Hindi na ako nagdalawang isip at binuhat ko na si Elaine at itinakbo siya papuntang ospital.


JESSICA 

Nagising ako at napansin ko ang paligid... nasa isang ospital ako. 

Wala akong galos oh masakit saakin, walang nakakabit saakin kaya tumayo ako at tumingin sa bintana. Ah nasa Polly hospital ako ngayon. lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko ang nars sa labas. "Ah gising ka na pala, nagalala kami dahil nakita ka namin sa kalye." sabi niya, pero "Kalye po? nasa bahay po ako nung nahilo ako kala ko nakita ako ng dorm manager kaya ako nandito.

"Hindi ako nagkakamali nasa kalye ka, baka hindi ko na matandaan dahil pagod ka." sabi niya.

Nagpaalam muna ako sa nars at lumabas papunta sa canteen ng ospital para kumain kaya napadaan ako sa reception.

"Tulong! tulong po!" umalerto ang mga nars na naka standby sa reception dahil sa boses napatingin ako.

"Julia! anong nangyare kay Elaine?!" tanong ko nung nakita ko sila. itinakbo sa emergency room si Elaine at naiwan kami ni Julia sa labas, habang ginagamot ang kanyang mga sugat.

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa yo." sabi niya at biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Nakalimutan ko!" kinausap niya ang nars na gumagamot sa kanya. "May natira po kaming kasama sa-

Nakita ko si Jason na pumasok sa ospital kasama ang isang matandang lalake. inalayan sila ng mga nars. "Ay debale na po andyan na po sila." sabi niya.

Pagkatapos lahat ng pagaayos napunta na si Elaine sa isang kwarto sa ospital. pina-alam namin ni Julia ang nangyare sa mga iba naming kaklase.

Karumal dumal pala ang nangyare sakanila nakakatakot.

Pumasok si Jaycee isa naming kaklase na isang kaibigan ni Elaine pero hindi sila gaanong naguusap dahil umuuwi ng maaga si Elaine. 

Nasa kwarto kami ni Elaine, papunta daw dito sina Rose, Ruiko, Misaki, at Hans para bisitahin si Elaine.


JAYCEE

"Guys bibili lng ako ng pagkain sa baba, bat ba kasi 6th floor tong ospital na ito hahaha sige guys hintayin niyo ako." Lumabas ako sa kwarto ni Elaine.

"Jaycee!" lumabas si Julia sa kwarto ni Elaine.

"Kung samahan kaya kita." sinabi niya, pero pag sumama siya walang magbabantay kay Elaine.

"Manatili ka nalang dito Julia, walang magbabantay kay Elaine pag sumama ka, at hintayin mo nalang sina Ruiko dito parating na siguro yung mga yun." 

"Oh sige ingat ka na lang."

Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakakatakot pala dito sa ospital kung mag isa ka lang na naglalakad. Napatigil ako sa paglalakad ng may naring akong malakas na ingay sa isang kwarto sa gilid. hindi ko ito pinansin at nagtungo ako sa elevator. ipinindut ko ang pindutan at hinintay ko itong bumukas, ng nabuksan ito pumasok na ako sa loob at ipinindut ang *GF*


JULIA

Pagkapasok ko sa kwarto pagkatapos kong kinausap si Jaycee lumabas ulit ako at hinanap ang elevator. May nakalimutan akong i pabili sakanya, bumalik naman si Jessica sa kanyang kwarto para makasiguro na magaling na nga siya.

Pagdatting ko sa elevator nakita ko si Jaycee na pumasok.

"Sandali lang!" sigaw ko pero nasara na ang pintuan ng elevator.


RUIKO

Andito na kami nila Misaki, Rose, At Hans sa ospital, tinanong namin sa reception yung room ni Elaine, at nagtungo kami sa elevator.

Ipinindut ni Hans yung pindutan ng elevator para makataas kami, pero sa taas nito ang bilis bumaba yung elevator  *6th-5th-4th*

"Huh? bat ang bilis bumaba ung-" wika ni Rose kaso hindi niya naituloy kasi biglang may malakas na pagsabog sa loob ng elevator, sumabog ang pintuan ng elevator at sa lakas nung pagsabog napaatras at napahiga kaming lahat na nasa harapan ng elevator. "Aaagh!!"

Rinig na sigaw sa boong lobby...


JULIA

Pagkatapos pumasok ni Jaycee sa elevator nakita ko sa itaas na mabilis bumaba ang elevator at may biglang sumabog sa ibaba, napakalakas ang tunog at parang lumindol na rin ang buong ospital at dahil dito napadapa ako. 

Biglang kumilos ang paa ko at binilisan ko ang pagtakbo ko, ginamit ko ang hagdan at bumaba ako sa lobby ng ospital. puno ng usok ang paligid sabay hiyawan ng mga tao.

Pagkatapos nun ay kunti nalang ang usok at lumapit ako ara tignan ang insidente, nagulat ako sa nakita ko si Misaki, Ruiko, at Rose nakahandusay sa saheg, linapitan ko si Misaki kasi siya ang pinaka malapit sa kinatatayuan ko, bumangin naman siya, tinanong ko kung okey lng siya pero masakit daw yung ulo niya, pero tumayo siya at tinulungan akong alalayan sina Rose at Ruiko sa ligtas na lugar, mukhang aala pa silang malay. may galos silang dalawa pero hindi gaanong malala.

"Julia! alalayan mo si Hans, kasama namin siya kanina balikan mo bilis!" sabi ni Misaki, hindi pa rumeresponde ang pulisya at mga nars sa lobby, kaya ako nalang ang pupunta. tumakbo ako papunta doon para hanapin si Hans, nagkalat ang mga metal na nakakabit siguro sa elevator, nakita ko si Hans na walang malay at nilapitan ko siya para tulungan siya. ... napatigil ako bago ko siya tulungan at napatitig nalang ako sa takot. "Aaaaaagh!" napasigaw nalang ako.

"Julia! bakit? nahanap ko na ba si... Hans..?" napatigil rin si Misaki siguro nakita niya ang bangkay ni Hans, na hiwa ang kanyang katawan at ito ay hiwalay. may nakita rin akong kamay na duguan sa elevator, wala na si Hans at Jaycee... karumal dumal ang nangyare. 

Nagsigawan na ang mga tao sa lobby siguro nakita rin nila ang bangkay. aksidente ba ito o? hindi pa tapos?

Narinig ko na ang takbuhan sa ospital dumating na ang mga nars at mga paramedic sa ospital, ngayon lang sila dumating... ayoko na, nawawalan na ako ng malay.

"Julia?!"

I C UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon