Isang ritual

59 1 1
                                    

Jessica

Bumalik na ako sa dorm namin nang matapos ang pasok ko sa eskwela, sumakit bigla ang ulo ko... hindi pa ako fully healed, hindi nga ako nakapunta sa fieldtrip naaksidente naman sila, hindi pa nga sana ako lumabas ng ospital kaso marami na akong nalampasan na lesson ko, kailangan kong bumalik sa pag-aaral, hindi sana ako papayagan ng doctor dahil hindi pa ako magaling, sa katotohanan nga eh masakit palang ang aking pangangatawan ngunit nagpumilit nalang ako sa doctor at nagsinungaling na magaling na ako.

Wala pala si Elaine, nasan kaya siya? sa mga kaibigan niya? "Aahh... aray!" biglang sumakit ang aking ulo... lumalabo ang paningin ko...

Elaine

Nakarating kami sa isang bahay kubo at may matndang lalake sa harapan nito.

"Inaasahan ko ang inyong pagdating, tuloy kayo." sabi ng matanda. nagtinginan kami ni Julia ng mata at nagdesisiyong pumasok, pinaupo niya kami sa dalawang punongkahoy na ginawang upuan.

"Ah, paumanhin po, hihingi lang sana po kami ng tulong.' winika ni Julia.

"Alam ko, ito ay dahil may gumagambala sa inyo hindi ba? at madami na itong nakuhang kaluluwa." sabi ng matanda, bakit parang alam niya lahat ng sinasabi namin?

"O-opo  ganoon na nga po, may alam po ba kayong solusyon?" tanong ko sa matanda.

"Hmmmm." nag-isip ang matanda at sumagot si Julia. "Siya po si Therese, yung babaeng nahulog sa paaralan namin dahil rin saamin, pero hindi naman namin inaasahan iyon at bumalik siya ngayon para maghiganti." nanginginig na sinabi ni Julia.

"Hindi ako naniniwala na ang mismong multo ang pumapatay." wika ng matanda.

"Ano po ba ang big ninyong sabihin?" tanong ni Julia.

"Hinding hindi ka mapapatay ng isang kaluluwa, ang kaluluwa ay sumasapi sa tao tapos dito siya magpapatay at kukuha ng buhay." sabi ng matanda, bakit ganon? nakita ko siya noong sinubukan niyang saktan si Jessica.

"Pero nakita ko po na sinubukan niyang saktan ang isa kong kaklase at nung nanglaban ako bigla siyang nawala at hinagis niya ang kaklase ko." sabi ko.

"Paano mangyayare iyon?" gulong gulo si Julia na nagtanong. "Ikaw, diba nakakaramdam ka?" taning ng matanda kay Julia. "Koonti lang po." sagot ni Julia sa tanong ng matanda. "Oo nangangakit sila pero hinding hindi nila kayang pumatay ng tao." sabi ulit ng matanda.

Kung sumasapi siya sa ibang tao... sino? at bakit niya napili ang taong iyon?

Biglang lumakas ang hangin sa labas, gabi na pala. Nagliparan ang mga papel ni ginoong Feng sa bahay kubo at nahulog ang mga kandila sa lamesa at gumulang sa ibang mga direksyon.

"Ah sandali lang po tulungan ko po kayo." sabi ni Julia at pupulutin sana ang kandila. "Agh!" bigla niyang sigaw at lumapit kami ni ginoong Feng sakanya. nakita namin ang kandila na nakatayo tapos tumingin ako sa paligid ang apat pang kandelang nahulog ay nakatayo rin. 

"Anong nangyayare?" tanong kong nanginginig. "Huwag kayong gagalaw." babala ni ginoong Feng.

Napasigaw kami ni Julia nang humangin ng malakas at naisara ang mga bintana nagsiliparan ang lahat ng gamit sa bahay kubo. "Walang gagalaw! kahit anong mangyare walang gagalaw!" hinawakan niya ang aming kamay ni Julia at umupo sa gitna. "Ang dilim." sabi ko. tapos sumindi ang limang kandila na bumubuo ng star shaped. "Since kelan nagkaroon ng pulang linya sa saheg?!" napanganga kami sa nakita namin. "Lumabas ka! kung sino-man ang nanggugulo sa mga buhay nila!" sigaw ng matanda.

"Takbo na kayo..." mahinang tunog galing sa loob ng kwarto. biglang umilaw ang mga linya sa saheg. "Magsimula na tayo." bosses sa kwarto. 

"Unang alay." nangyayare na naman ang kinatatakutan ko. 

"Dugo ng isang excorcist... oh puso mas maganda hehehehehe." tawa sa loob ng kwarto... tingin ako ng tingin sa paligid pero wala akong makita. "ugh!" umubo si ginoong Feng na may halong dugo. may nakasaksak sa kanyang likuran. "Saan yan nanggaling?!" sigaw ni Julia. at may isa pang kutsilyo na tumama sa saheg malapit sa inuupuan ko. 

Tumayo si Julia at tumakbo sa pintuhan at pinag-sisipa ito. "Ayaw mabuksan!" sigaw ni Julia. "Hindi na kayo makakalabas dahil katapusan niyo na, iaalay ko na kayo." "Aaagh!" sigaw ni Julia at bumalik saamin ni ginoong Feng. nakatitig kami sa may pintuhan at  may kulay pulang bagay na umiilaw. isang tao na may sungay, nakakatakot ang itsura. "Aaaaaaghh!" sigaw kami ng sigaw ni Julia ng may sumigaw galing sa labas. "Elaine! Julia!" sigaw mula sa labas at biglang nagsitigil ang mga lumulutang na bagay at nabuksan ang pintuhan. 

"Jason!" napatayo kami ni Julia ng nakita namin si Jason sa labas inalayan namin na tumayo si ginoong Feng. "Sandali lang hahanap ako ng tulong hintayin ninyo ako!" sabi ji Jason at nagmamadaling umalis." 

"Sandali lang sasama kami sa labas!" sabi ko kay Jason. "Huwag! delekado!" sagot niya. "Eh baka aatakehin nanaman kami dito." sumagot si Julia. 

"Sige sandali lang." lumabas si Jason pero napatigil siya. paglabas namin nakita namin siya na napaupo, iniwanan ko si Julia at ginoong Feng at tumakbo papunta sakanya. "Huwag!" sigaw niya pero masyado ng huli ang lahat, may naramdaman akong tumama sa dibdib ko...

-------------------------------------------------------------------------------

I C UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon