Kamatayan

44 1 1
                                    

Elaine

Nagising ako sa malambot na kama ng ospital. Puro puti ang nakikita ng mata ko, walang nagbabantay saakin. Ilang araw na ako dito sa ospital? 

Oo naalala ko. Hinawakan ko ang dibdib ko para ramdamin ang aking sugat.

"!" Wala? so ibig sabihin sa sobrang tagal ko dito nahilom na ang sugat sa aking dibdib? Yung mga kaklase ko? kumusta kaya sila?

Bumaba ako sa kama dahil walang nakakabit saakin at iginalaw ang aking katawan. Sa sobrang tagal ko dito nakalawang na ang aking katawan. "Ow!" ansakit ng leeg ko.

"Elaine, lumabas ka nandito kami." boses na hindi ko alam kung saan nangaling, umuulan sa labas. Binuksan ko ang pintuan.

Walang tao sa labas, rinig rinig ko lang siguro. Pagka talikod ko may biglang dumaan sa likod ko, parang tumatakbo. "Ate! ate! habulin mo ako!" boses nang isang batang babae na tumakbo sa likoran ko at pumunta sa kabilang parte ng ospital.

Lumakad ako ng dahan dahan para sundan ang batang tila nakikipaglaro saakin. "Tago taguan sa liwanag ng buwan." tunog ng bata habang papalapit ako sa palikong daanan sa ospital. "Bata..." sagot ko, sasabihin ko sana na hindi pa ako pwedeng makipaglaro sa kanya. 

"Harap sa likod, harap sa kanan, harap sa kaliwa, harap sa harap!" patuloy ng batang babae. "Bata pasensya na..." sagot ko, patuloy pa rin akong lumalakad sa pinanggalingan ng boses.

"Pagbilang ko ng sampo nakatago ka na, isa... dalawa... tatlo... apat." tuloy ng bata. Napansin ko ang ilaw sa taas ay nag pa-patay sindi. "Lima... anim... pito... walo... siyam." ng lumiko ako nakita ko ang batang babae na na naka yuko sa harap ng isang bintana. "Sampo!" pagkatapos magbilang yung batang babae tumingin siya kaagad saakin.

Ang mukha niya ay puno ng dugo ang kanyang isang mata ay wala kaya ito umiiyak ng dugo, ang kanyang damit ay puno rin ng dugo, tsaka sa parteng ito ng ospital ay puno na rin ng dugo.

"Aaagh!" sigaw ko sa gulat at napa-upo sa gilid. "Bakit ate? bakit ka takot saakin?" tanong ng bata tila malapit ng umiyak ang kanyang boses. tumingin ako kung saan ako nanggaling pero puno na rin ito ng dugo gaya sa harapan ko. "Ate... ate!!... ateeee!!!" sigaw na ng bata at umiiyak ito ng dugo, tumatalsik ang kanyang dugo sa kanyang mga mata. "Aaagh! umalis ka!" tumayo ako at biglang tumakbo sa direksyon kung saan ako nanggaling.

Bumaba ako sa hagdan papunta sa baba kung saan may tao, tumingin ako sa taas at nakita ko siyang pababa at tila tumatawa. "Hahahaha ako taya ate tumakbo ka na!" sabi ng batang babae. patuloy akong tumakbo pababa sa lobby. 

Walang tao sa lobby binuksan ko ang pinto palabas ng ospital pero kadilikan lang ang nakikita ko. Bilis! mag isip ka! nakita ko ang isang payong sa gilid na may patusok at bigla ko itong kinuha at ipinagbabasag ang pintuan palabas ng ospital.

"Ate wala ka ng matatakbuhan huli ka na." boses sa likod ko at lumingon ako at nakita ko siyang tumatawa habang duguan ang kanyang mukha.

Sumigaw ako ulit at tumakbo sa ibang direksyon.

Pumasok ako sa isang kwarto na may ilaw at nakita ko ang maraming kama ng ospital na may taong nakatulog sa bawat kama. isa yata itong ward. lumapit ako sa isang pasyente na nakikita ang kanyang paa at may kulay pulang papel na nakasabit. 

Tinakpan ko agad ang aking mga bibig dahil alam kong nasa loob ako ng morgue sa ospital. *Julia* nakasulat na pangalan sa papel, walang apeliedo. Si Julia na aking kaibigan kaagad ang nasa isip ko, binasa ko ang naka sulat na pangalan ng mga bantay *Misaki* *Ruiko* *Jason* lahat ng pangalan ay pangalan ng aking mga ka klase.

Napa iyak ako sa sobrang takot at tumakbo ako sa pintuan palabas ng morgue. pero napatay lahat ng ilaw at narinig ko ang yapak na mahina galing sa bata. Nandito na siya! wala na akong oras para lumabas at maghanap ng ibang pagtataguan. "Illi illi tulog anay~ wala diri~ imong nanay~" kumakanta ang banta habang lumalakad.

Unti unting nadadagdagan ang takot ko habang naririnig ko na papalapit na ang kanyang boses at mga yapak.

Wala akong ibang pag pipilian! kailangan kong magtago. humanap ako ng magandang pwesto ng narinig ko ang pintuan na bumukas. tumaas ako sa isang kama at itinaas ang kumot, nakita ko ang bangkay ng isang lalake na namumutlang parang sunog ang kanyang balat. Wala akong pag pipilian at tinakpan ko ang aking ilong at bibig atsaka tumabi sa kama ng patay.

Takot na takot ako, may patay sa tabi ko, may multo sa kwarto at hinahanap ako, tumutulo na ang aking luha ngunit hindi ako gumagawa ng ingay.

May narinig akong gumalaw sa tabi ko ng biglang yinakap ako ng bangay at dumilat ang mga mata nito gumalaw galaw siya habang natatanggal ang kumot na pantakip sa patay, hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang kanyang pagka yakao sa katawan ko. "Aaaagh! aaagh! aagh!" patuloy ako sa pag sigaw ng lumalapit ang bata saakin.

"Nahuli na kita ate wala ka ng pag asang makatakas, nanalo na ako." sabi niya habang tumatawa.

"Huwag! maawa ka!" maka awa ko pero lumapit lang siya at tinaas ang kanyang kanang kamay.

Tinaas niya ang aking damit at nakikita na ang aking tiyan. tumawa siya at bigla niyang itinusok ang kanyang buong kamay sa aking tiyan na parang kutsilyo. "Aaagh! ang sakit! huwag!!" aking iyak, sa sobrang sakit sasabog na ako. "Simulan na natin ang autopsy!" sabi niya at siya ay tumatawa. kahit anong gawin ko hindi na ako makakatakas. Ginalaw galaw niya ang kanyang kamay sa loob ng aking tiyan at tila napupunit ako. "Hahaha gagawin kitang autopsy model at ilalagay kita sa laboratoryo ng ospital... ate!" tumawa siya ng malakas habang hinihiwa niya ang katawan ko pilit na pinupunit na parang papel.

Anlamig, hindi ko na maramdaman ang sakit. hindi na ako makasalita. Ang huli kong nakita ay ang mukha ng bata na tumatawa habang tinatanggal niya ang aking isang mata, nandilim na ang paningin ko.


"Aaaaaagh!!" Sigaw ko ng magising ako. nasa tabi ko si Jessica pilit akong pinapa kalma.

"Panaginip lang iyon... huwag kang mag-alala andito ako." tunog ni Jessica.


-------------------------------------------------------------


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I C UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon