Isang plano

83 2 1
                                    

Elaine

"So bakit kami nandito ngayon?" tanong ko sa kanila.

"Alam mo naman siguro ang nangyayare diba?" tanong ni Angelo saakin.

"Sunod sunod ang pagkamatay ng mga kaklase natin" sabay na sinabi ni Jason.

"Ang killer ay isang multo" biglang sinabi ni Lurrane.

"Si Therese... hindi naman natin sinasadya diba?" biglang tanong ni Misaki.

"Aksidente lang naman ang nangyare at-" *Misaki*

"Baka marami pa siyang gustong gawin sa buhay pero nawala lahat iyon..." biglang sinabi ni Jane.

"Misaki may tama naman siya eh" sinabi ni Jessica na may pagaalinlangan.

"Ang *Baka* ay hindi sapat" biglang sinabi ni Ruiko. Lahat kami sa sala ay napatahimik nalang nagiisip ng masasabi.

*Oh Hello* *Oh Hello* tunog ng cellphone

"Ah saakin yun" sinabi ni Mika at lumabas.

"Talaga Minion? -_-" mahinang boses ni Touma.

"Huuush!" sabi naman ni Jane. tumawa naman kaming lahat, ilang segundo bumalik si Mika na mukhang sasabog.

"Guys wala na si Mitsuko... natagpuan ang bangkay niya sa kalyeng papuntang school, natagpuan siyang walang mata at biyak ang ulo" biglang sinabi ni Mika pagkabalik niya. napatayo kaming lahat dahil sa balitang natanggap.

"8, means 26 nalang tayo" nabanggit ni Francis.

"Pati ba naman ang innocenteng tao dinadamay" sabi ni Rose na mukhang iiyak na.

"Hindi dapat matapos na to ayoko nang makakita ng bangkay ayoko nang makakita ng dugo at mas lalong ayokong makitang nahihirapan ang mga kaibigan ko" sagot ni Jessica.

"Oo humanap tayo ng paraan para matapos na itong pagpatay na ito" sabi ko naman.

"Eh paano?! hindi natin siya nakikita multo siya! ano kukuha tayo ng kutsilyo at sasaksakin nating ang multo?!" sigaw ni Misaki na paiyak na rin ang expression niya.

"Misaki kalma ka lang" *Angelo*

"Pero paano ako kakalma bakit kung ako yun isunod niya?! ayoko pang mamatay!" naiyak na talaga si Misaki.

"Exorcism" biglang linabas ng bunganga ko ang salitang iyon.

"Exorcism? paano? wala namang nasapian" sabi ni Touma.

"Ouija?" tanong ni Lurrane

"Lurrane nakakatakot kapag ouija paano kapag lilitaw siya at patayin tayong lahat?" tanong ni Mika.

"Pwede naman tayong mag-alay ng dasal para matahimik ang kaluluwa niya" sabi ni Ruiko.

"Pwede na rin iyon" sabi ni Jane.

"Kailangan natin ng Pari sa linggo ipa bless na natin yun" sabi ni Angelo.

"Linggo talaga?" tanong ni Touma

"Hindi ba pwedeng masmaaga? kasi natatakot ako" sabi ni Misaki.

"Sige sabado"sabi ni Jason.

"Pwede na kayong umuwi basta mag-ingat kayo hindi natin alam kung sino ang isusunod niya, at Elaine pwede ka bang maiwan?" dagdag ni Jason.

"Ah sige" sagot ko sakanya. Nakauwi na ang lahat at naiwan ako.

"Elaine ang pagpatay sa tingin ko hindi ka damay saamin..." sinabi ni Jason

I C UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon