Kailangan ng tulong

62 1 0
                                    

ELAINE

Nagising ako ng umaga at sinisiguro ko na hindi na ito panaginip, dahan dahan kong binaba ang aking paa sa kama para makakasiguro na walang hihila saakin, wala nga hindi na ito panaginip pasikat na ang araw lumabas ako at nakitang gising na rin si Jessica at nagluluto na ng agahan namin

"Magandang umaga." bati niya saakin.

"Magandang umaga rin, anong oras ka papasok?" Tanong ko sakanya. "Umaga, marami akong hahabulin na lessons natin eh." sagot niya.

Agahan namin ay bacon and eggs, nagpalit na rin ako ng aking damit at papunta na ako sa eskwelahan at nakita ko si Ruiko kaya nagsabay kaming pumasok sa eskwelahan.

Pagdating namin ay marami na rin ang pumasok ngayon dahil sa aksidente na suspend ang aming klase so ngayon balik pasukan kami, lumapit saakin si Jason na mukhang nag aalala.

"Elaine dalawa lang daw ang natagpuan nilang bangkay... nasan kaya si Mika?" tanong niya, paano nangyari yun? ligtas kaya siya? tatlo silang bumaba at humanap ng tulong.

"Baka naman nakahanap siya ng tulong at-" biglang nagkakagulo sa loob ng classroom.

"Mika!" sigaw ni Jason. tumingin ako sa pintuhan at nakita ko si Mika na mukhang pagod na pagod, buti na lang ligtas siya.

"Saan ka nanggaling? alam mo bang nagaalala kami sa yo?" sabi ni Jason pero hindi nagsasalita si Mika at may lumabas na luha sa kanyang mata.

"Mika huwag ka ngang tumayo lang diyan..." nagsitahimik ang lahat ng kaklase namin.

"May nararamdaman akong hindi maganda sa kanya..." may lumapit saakin at bumulong, si Julia pala.

"Mika please kausapin mo nga ako." wika ni Jason ngunit tahimik parin si Mika na nakatayo.

May sugat yatta sa kanytang leeg may linya eh, tumingin siya sa taas at may tumutulong kulay pulang bagay sa kanyang leeg.

"AAAAAAGGGGHHHH!!!" Nagsigawan lahat ng mga kaklase ko ng bumuka ang leeg ni Mika nagtalsikan ang kanyang dugo na puno ang aming mga mukha ng kanyang dugo. 

Nung natapos tumalsik ang kanyang dugo nakahiga na si Mika sa saheg at nasa ibang dulo ang kanyang ulo.

"Mi..ika." tunog ni Jason.

"HIINDII!" sigaw niya na napakalakas at pinulot ang ulo ni Mika saka niya ito niyakap na nakaupo.

"Hindi, hindi, hindi! ang matalik kong kaibigan!" sigaw niya napaiyak na lamang ako nung makita ko ang kanyang itsura, lagi na lang may dugo, ayoko na gusto ko nang matapos ito.

Pagkatapos nun ay may naisip akong plano, ang hanapin si Feng, ang matandang lalakeng nagpakilala saamin noon, excorsist yatta ang tawag sakanya, basta kailangan ko siyang hanapin dahil hindi lng mga kaibigan ko ang nadadamay sa gulong ito pati na rin ang aking sarili.

Lumabas ako sa eskwelahan at nagtanong tanong ko saan ko siya matatagpuan.

"Alam ko kung saan siya matatagpuan." may boses sa aking likuran. si Julia sinundan niya ako rito.

"Huwag ka nang magtanong dahil parehas lang ang ating rason." sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. sinundan ko siya kung saan siya pupunta at natagpuan namin ang isang maliit na kubo sa isang hindi pamilyar na lugar.

"Kayo... inaasahan ko ang inyong pagdating." boses na nagmula sa kubo.

--------------------------------------------------------------------------------

I C UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon