Ako lang mag isa

54 2 0
                                    

ELAINE

Nagising ako sa isang madilim na kwarto... Ah ang kwarto namin ni Jessica mukang wala siya dito... Gabi palang bat ang aga kong nagising?

Bumaba ako sa aking kama ng may naamoy akong malansa. "Amoy isda dito, bumili ba si Jessica ng isda pang ulam bukas? ay mamaya pala." Tiningnan ko ang oras alas-tres na pala ng umaga wala oaming pasok dahil sa nangyare kagabi. "!" pagka tingin ko sa orasan ay September 29, 2018 ang nakalagay sa petsa nito. "September 29, 2018? 2 palang ngayon hindi ba gumagana?" lumapit ako sa orasan at tiningnan ito kung gumagana ng maayos. "gumagana naman... o hindi lang pwede yung mismong petsa sa orasan." hinayaan ko ang orasan sa aming sala at pumunta sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig.

Pagkatapos kong uminom ay bumalik ako sa aking kwarto at inilagay ang baso sa lamesa ko saka  humiga sa aking kama. "Agh!" napasigaw ako nung pagkahiga ko dahil nahulog ang baso sa lamesa at nabasag sabay dinig ang napakalakas na sigaw sa labas. Tumayo lahat ng balahibo ko at dahan dahan akong lumabas sa aking kwarto. lumakas ang masangsang na amoy at sinundan ko kung saan ito nanggagaling. mukang hindi sa kusina nanggagaling ang amoy kundi sa labas. dahan dahan kong binuksan ang pintuhan at maslalonv umalingawngaw ang masangsang na amoy.

"Aaaaaagghh!!" napasigaw na lamang ako nung makita ko ang bangkay ni Jessica na duguan sa harap ng pintuhan namin. tumingin ako sa ibang direksyon at hindi lng pala siya ang nawalan ng buhay nakita ko ang duguang bangkay nina Ruiko Misaki at lahat ng kaklase ko na mukang kinatay. napaiyak nalang ako sa nakita ko nagkalat lahat ng bangkay sa harapan ko at may biglang nagsalita. buhay pa si Jessica! 

"Tumakbo ka na habang may oras pa... na..kikita ka...niya." Mahina niyang sinabi .

"Halika bilis itatakbo kita sa ospital!" Nagmamadali kong sinabi pero ipinikit na lang niya anv kanyang dalawang mata... mukang nawalan na siya ng dugo. hindi ito maaari... hindi!

"Nakikita kita hehehehe... takbo ka na bilis... mahahanap na kita." isang nakaka kilabot na tunog sa madilim na hallway. "bibilang ako tatakbo ka na... Isa!  

May biglang tumama sa aking kaliwang binti... isang kutsilyo duguan ang isa kong binti. sumigaw ako sa sakit pero ipinilit kong tumayo at tumakbo. "Dalawa!" may isang matulis na bagay na tumama sa likod ng aking kanan na binti wala akong magawa at napaupo na lamang sa sakit. Ansakit! hindi ko na maramdaman ang dalawa kong paa. "tatlo!" "Agh!" napasigaw aki sa sakit at natamaan ang aking dibdib wala akong magawa... sigaw ako ng sigaw wala namang nakakarinig saakin. "Apat!" wika niya ulit at tama ang hinala ko isang matulis na kutsilyo ang tumama sa aking kanan na balikat. napasigaw ulit ako sa sakit.

Katapusan ko na... "Lima!" ngayon naman nakita ko ang isang malaking bagay na inihagis saakin at natamaan ang leeg ko... isang itak ang tumama saakin. nakita ako ang aking katawan na walang ulo... mukang na hiwalay ako sa aking katawan ngayon naman ay nakita ko na siya... Therese way hawak na itak. "Huling bilang!" at inihagis ang malaking itak na tumama saakin.

"Aaaagh!" nagising ako at nakahiga ako sa aking kama... hinawakan ko ang sarili ko kung buhay nga talaga ako. mukang isang panaginip lang ang lahat nang nangyare... "5:00 A.M September 28, 2018." Tama ang oras at petsa 27 kami ng umaga nakarating  at wala kaming pasok. Nauuhaw ako bumaba ako sa aking kama. "Aaaagh!" may humawak sa aking kaliwang paa ng mahigpit sa ilalim ng kama at hinihila ako papunta sa baba ng aking kama... napakainit ang kamay na ito. wala na akong maggawa kasi malakas ang pagkahila... hinila nalang ako papasok sa ilalim ng aking kama.

"Agh!" nagising ulit ako umaga na. kinukuha ko pa ang aking hininga para makarelax ako. mukang nagising ako sa panaginip mula sa panaginip...

--------------------------------------------------------------------------------------

I C UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon