Elaine
"Pssssssst." May nag sinyas saakin sa likod pagkatapos ma-benditionan ang lugar. Nagulat ako kasi may naramdaman akong kumukuryente sa likod ko... hindi pa yata natatahimik ang kanyang kaluluwa nararamdaman ko ang kanyang prisensya.
"Ako si Feng." Biglang hinawakan ng lalake ang aking kamay.
"Uh... bakit po?" tanong ko sakanya.
"Feng? Ikaw ba yung sikat na excorcist?" tanong ni Jason sakanya.
"Maybe, ikaw Ms. May nararamdaman akong madilim na aura sa katawan mo." Binanggit ng lalakeng nagngangalang Feng. Gulat na gulat ako dahil sa 'madilim' na binanggit niya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko sakanya.
"mag-ingat kayo mga bata may galit sa inyo." Bigla siyang umalis.
"Sandali lang po!" sigaw ko pero tuloy parin ang kanyang paglakad ng mabilis papalayo saamin ni Jason.
"Elaine, Jason may bumabagabag ba sa inyo?" Tanong ni Ruiko habang papalapit saamin.
"Guys! Fieldtrip natin bukas sabi ni Ms.Villuanueva maghanda na daw mamayang gabi 6:00 P.M tayo aalis!" Sigaw ni Julia.
"Namamatay na nga lahat ng kaklase natin tapos mag fie-fieldtrip pa ano ba yan!" inis na inis si Ruiko at umalis na papuntang classroom.
"Jason diba magiging okey naman na? diba nabasbasan na dapat-"
"Magiging okey lang tayo Elaine proprotektahan kita" Sagot ni Jason at naramdaman kong umiinit ang aking pisngi.
Julia
Naglalakad-lakad ako sa corridor ngayon dahil walang magawa. Hinihintay ko ang dismissal para maka empake na bukas, sa totoo lang natatakot ako dahil may nararamdaman akong hindi maganda.
"Juuuu~~liaaa!" May biglang yumakap sa akin sa likod.
"Aagh!" Na out of balance ako at bumagsak sa floor kasama ang taong nasa likod ko.
"Michelle! Huwag mo naming akong takutin!" pasigaw kong sinabi habang kinukuha ang aking hininga.
"Ang cute mo talaga kapag nagugulat ka hehe..." Patawang sinabi ni Michelle ang aking Bessy simula pagkabata kasingtangkad ko lang siya pero parang nana yang turing ko sakanya napakaganda niya tulad ko hehehe joke tinutulungan niya ako tuwing may problema ako.
"Ano excited kana ba para bukas?" tanong niya. Una hindi ako sumagot pero...
"Kinakabahan ako Michelle may nararamdaman akong masama." Sabi ko sa kanya. Tumahimik lang ng kunti tapos bigla siyang nagsalita.
"Julz premonition?" tanong niya. Ako kasi may kakayahan akong Makita kung anong mangyayari bagamat mahirap. Hindi ko sanay.
"Alalahanin mo hindi lahat ay nagkakatotoo." Sabi ni Michelle. Medyo gumaan ang pakiramdam ko noong sinabi niya iyon.
"Alam ko pero..."
"Trust me J"
Pumayag nalang ako na kalimutan ang nararamdaman ko pero natatakot parin ako...
Kinaumagahan...
"Pasok na lahat bilis!" pasigaw na sinabi ni Ms. Villuanueva habang papasok kami sa bus. Umupo kami ni Michelle sa dulo.
"Julia okay ka lang?" tanong niya saakin.
"Oo okay lang ako..." sagot ko sakanya. Nasa harapan naming sina Misaki at Elaine.
"Okey punta na tayo guys." Sabi ng driver at umandar na ang bus.
8:00 P.M na at nasa bundok kami. Tumingin ako kay Michelle mahimbing naman ang tulog niya.
BINABASA MO ANG
I C U
Mystery / ThrillerSi Elaine isang normal na mag-aaral na pumasok sa isang malaking pribadong paaralan. Subalit hindi maganda ang kanyang madaratnan kasi sunod sunod ang pagkamatay ng kanyang mga kaklase at kaibigan. Sino kaya ang gumagawa nito? Galit ba na espirito n...