"Ano? 150 thousand pesos para sa isang school trip?! Nakakagulat naman yang school nyo Janine! Sasama ba lahat ng estudyante?" Sabi ni Yanna na gulat na gulat habang nag aayos ng mga pinggan.
Mas gugustuhin ko pang matulog kesa sumama sa school trip na yon! At sayang sa pera! Wala akong pake kahit sa ibang bansa pa lumakbay yung barko nila.
"Eh ano naman kung sumama sila?! Basta ako hindi!" Ani ko.
"Oh so ano plano mo? Anong gagawin mo sa loob ng isang buwan?!"
"Ano pa nga bang magagawa ko? Edi maghahanap ng part time job bukod dito." Bagot na sabi ko kay Yanna.
Aish si Mama at Papa ang may kasalanan nito eh! Kaya walang wala kaming pera ngayon! Dahil sa school nayon!!
"Aaaaaah hindi ba kayo pupunta sa North Sea?" Sabat ni Sir Chan.
"North Sea ka dyan! Magluto ka na nga lang dyan! At Janine hindi ka naman sasama sa European Tour diba? Magpaalam ka sa parents mo na magbabakasyon tayo sa North Sea!" Tuwang tuwang sabi ni Yanna sakin.
Sabagay masaya nga yun at makakahanap kami agad dun ng part time job. At papayagan naman ako nila Papa. Yun pa!
Kasi naman bat pa kasi umepal yang European Tour na yan eh. Pero nagpapasalamat din ako dahil hindi ko makikita si James ng isang buwan. \( ö )/
-----
James Alex's POV
Kanina pa ako hindi mapakali. Asan na ba sya? Buti nalang kasama ko tong mga kaibigan ko. Sasama kaya yung babaeng yun? Hindi na nga kami sumakay sa private jet para lang sakanya pero hindi nila alam na yun ang dahilan ko. Para kay Janine.
Si Renz din hindi mapakali dahil ngayon dadating si Franzine, susunduin nya raw at mauuna na kami sakanya susunod nalang sya kasama si Franzine sa Cruise.
"Teka nga nahihilo na ako sa kakalakad nyong dalawa ha." Reklamo ni Paige.
"James may inaantay ka rin ba? Hindi ka mapakali eh." Tanong ni Bruce sakin.
"Ah wala ah... Kelangan ko lang ng exercise dahil mahaba ang flight natin." Segway kong sagot sakanila. Hindi nila pwedeng malaman dahil magtataka sila sakin.
"Ah oo nga pala bat naisipan mong sumabay sa mga students? Ayaw mo bang gamitin yung private jet?" Tanong ni Paige habang kinakalikot ang phone nya.
"Ano ka ba school trip to. Tska ayaw nyo yun experience din ito no." Segway ko nanamang sagot.
Kung hindi lang para kay Janine to eh. At san na kaya yun? Bat hindi pa dumadating? Wala rin naman akong cell number nya.
"Dude tara na. Its time." Habang tinuturo ni Bruce ang Rolex watch nya.
Hindi na siguro dadating yung babaeng yun. Tinawagan ko ang isa sa mga body guard ko para alamin kung nasaan sya. Aish kelangan nya sumama. ( ̄. ̄)
-----
Renz Clark's POV
Humiwalay na ako kila James dito sa airport dahil ngayon din ang arrival ni Franzine.
After two years ay umuwi rin sya galing Paris. Gusto nya kasing mag celebrate ng birthday nya dito with me.
Three weeks lang sya dito mag iistay then back to normal nanaman. Sad lang dahil mamimiss ko nanaman sya.
Pumunta nako dun para salubungin sya.
Nakita ko na ang mga fans nya para I-welcome rin sya. Pero buti nalang ako ang una nyang nakita at nag wave sya sakin then she smiled. I smiled too.
I really miss her so much kaya ito ang time para makabawi sakanya. We'll spend more time together I promised to myself.
Lalapitan ko na sana sya pero bigla syang sinugod ng mga fans nya. Damn it.
Kaya pinabayaan ko na lang at inantay kong matapos. And finally tapos na.
We gave each other a warm hug and kissed her. I miss this. I miss her so much.
"Are you okay?" She asked with a smile.
"Yup." I said.
"Alright. Let's go!" She said with a excitement on her face.
This is it. ヾ(¯∇ ̄๑)

BINABASA MO ANG
One of the Boys (ON-GOING)
Teen FictionSi Janine Castillo ay isang babaeng inosente, palaban at walang inuurungan ang nakapasok sa isang maganda at sikat na school o mas kilalang Westville High. Makikilala nya rito ang apat na siga at mayayamang lalake na magtatanggol sakanya.