Pagkauwi ko ng bahay nadatnan ko si Jay (kapatid ko) na nag cocomputer. -______- Ay nako naman talaga imbis na mag aral kung ano ano inaatupag eh di porket nakiki wifi lang sya sa kapitbahay.
"Ate! May papakita ako sayo about sa Aplus."
Na curious naman ako at lumapit sakanya. Eh gusto ko rin naman kasi malaman yung mga backrounds nila eh sabi kasi nung mga babaeng maarte wala daw akong alam dahil transfer student lang naman daw ako. Pwes tignan natin kung sino ang walang alam.
"Huh? Ano yun?" Tanong ko.
"Bruce Anthony Montejo, Anak ng chairman ng Asian Construction Business at sya rin ang magiging tagapagmana nito bukod pa don nasa Real Estate din sila. Sila rin ang may ari ng kalahati ng mga resorts sa Boracay Island. Bukod pa don kilala rin ang pamilya nila dahil sa kanilang connection sa mafia. Sila rin ang mga nagmamay ari ng mga bigating night clubs and five star hotels. Napaka yaman talaga ng pamilya nila Ate." Manghang manghang sabi nya.
Napakayaman naman non. Grabe napanganga nalang ako sa mga nakalap na impormasyon netong kapatid ko eh.
"Si Paige Carlo Estefan naman, ay may talento sa pag popottery nagsimula iyon nung 16 years old pa lamang siya. Kaya ngayon sa edad na 18 years old sumikat na sya at kilala rin syang Ceramic Artist. Sya ang pinaka batang nagkaroon ng award na ganon."
"Haaaay mabuti nalang may isa sakanilang may mabuting ginagawa." Saad ko.
"Tska hindi mo na rin masasabi na mahihirap ang mga artist ngayon Ate, Sila ang may ari ng mga Sikat na Pottery Museum na napaka ganda."
"Wehhhh? Sila ang may ari non? Abay napakayaman naman nila!!" Pagmamanghang sabi ko.
"Teka nga Ate, wag mo na kaya alamin lahat, baka maloka ka lang eh." Pangaasar nyang sabi sakin.
Inirapan ko lang sya at hindi pinansin pero nagpatuloy parin sya sa pagkwekwento. Habang nag brobrowse sya napatingin ako sa isang litrato.
"Oh diba yan yung dati nating presidente?" Tanong ko.
"Yan... Nakikita mo ba Ate kung sino ang kalongkalong ng dati nating presidente?"
"Hmmm." Pagtataka ko.
"Yan ang apo ng dating presidente na si Renz Clark Stevens. Ulila na sya dahil namatay ang mga magulang nya sa car accident at sya lang ang nakaligtas. Sakanila rin ang Stevens Cultural Foundation. Sakanila rin ang Stevens Stadium kung saan ginaganap ang mga concerts. May European Soccer and Baseball teams rin sila. Haaay Ate nakakainggit talaga si Renz Stevens."
Renz Clark Stevens ang pangalan niya? Sya pala yung nakita ko sa miniforest kahapon. Napaka yaman nya imposibleng mapansin ako ng isang tulad nya. Pero tuwing naalala ko ang nangyari sa miniforest di ko maiwasang mapangiti.
"At ang pinakahuli...*.(may pinakita syang picture)* Kilala mo na sya diba ate?" Tanong nya.
"Oo kilala ko sya dahil sa kayabangan nya." Inis kong sabi. Ugh yung lalakeng nambuhos ng orange juice sa poor guy.
Haaaay mayabang naman talaga sya eh akala mo kung sinong makaasta. Aish panira ng araw.
"Sila ang may ari ng pinakamalaking business company dito sa Pilipinas. Ang Westville Corporation. Sila rin ang may ari ng Westville High. Sya si James Alex Neville ang pinakamayaman sakanila.. Sya rin ang leader ng Aplus."
BINABASA MO ANG
One of the Boys (ON-GOING)
Teen FictionSi Janine Castillo ay isang babaeng inosente, palaban at walang inuurungan ang nakapasok sa isang maganda at sikat na school o mas kilalang Westville High. Makikilala nya rito ang apat na siga at mayayamang lalake na magtatanggol sakanya.