OOTB - Chapter 1

109 1 0
                                    

Janine's POV

"Hep hep! Saan ka pupunta?! Bawal pumasok mga outsiders dito sa school na to neng.

"Kuya Guard kelangan kong pumasok dyan kasi may delivery ako nagpa dry cleaning kasi kahapon yung studyante samin kahapon eh taga dito yun."

"Hmmm. Sige sige na ipasok mo na rin yang bike mo.

"Salamat poooo!" Sigaw ko kay manong guard. 

Aish kasi naman eh kelangan pa dito mismo sa school ipadala pwede naman sa bahay nila. Pero okay na rin yun dahil nakapasok ako dito sa school na to kahit hindi ako nag aaral dito.

Grabe ang laki pala! As in! Kaya pala maraming nangangarap mag aral dito at isa ako run kaso napakamahal ng tuition! Aabot yata ng kalahating milyon to eh. Sabagay yung mga estudyanteng nagaaral rito mayayaman at mga sosyal, mga anak siguro to ng mga negosyante. 

Napadaan din ako sa canteen nila at.... at... ANG SASARAP NG MGA PAGKAIN!! Grabe school ba talaga to?! O Restaurant?!! Pero ang mamahal ng bilihin! Makaalis na nga! Bat ba kasi ako nagpunta dito eh maglalaway lang naman ako.

Papunta na sana ako dun sa building kung saan nakalagay yung address nung papadalhan ko kaso may mga nakita akong nagtatakbuhan at halos lahat sila papunta sa isang lugar. May nangyari yatang mali eh. Makapunta nga pero nagtanong ako sa isa sa mga estudyante.

"Kuya kuya! Anong meron?!"

"Do-doon! Magpapakamatay si Luis Chua."

Magsasalita pa sana ako kaso tumakbo na yung lalake. Aish. Anong panagalan? Luis Chua daw? LUIS CHUA?!!!!! Eh yun yung pagdadalhan ko ng damit eh! Sayang yun noh sayang yung pera hindi nya pa nga nababayaran to eh. Kelangan kong pumunta don kelanagan nya munang bayaran bago sya magpakamatay.

Nakipagsiksikan ako sa mga tao na nakatingin sa may taas ng building. Magpapakamatay talaga yung lalakeng yon?! Anong dahilan nya?! 

"Sabi sainyo eh. Hindi magtatagal ng isang linggo yan dito."

Dali-dali akong umakyat sa may tuktok ng building kung saan yung Luis na yon. Narating ko rin yun at hinihingal ako. Aish kung hindi ko lang kelangan ng pera eh.

"SANDALI LAAAAAAANG!!...... LUIS!!!.." Sigaw ko habang hinihingal ng napakalakas.

"Bakit sino ka ba?!"

"Ako? Tinatanong mo kung sino ako? May delivery ako para sayo! J Cleaners at your service! 300 pesos lang! Bago ka magpakamatay magbayad ka muna."  Ngiti ko sakanya.

Pero hindi nya ako pinansin.

"Okay okay sige na 250 pesos nalang. Libre na yung pe uniform mo diba ang laki ng discount non? Promo na yun." Sabi ko ng nakangiti parin. Aish bat ba ayaw nya magbayad?

"Pag patay nako. Padala mo na yan sa bahay ko at dun mo sila singilin."

Hindi pwede! Hindi pwedeng magpakamatay sya no!

"Aaaaaaay ano ba yan wag ka ngang ganyan. P-patay? Bat ka mag papakamatay?!"

"Alam mo ba ang Aplus?"

"A-a-aplus?! Ano yun?" Utal utal kongtanong sakanya.

"Pag nakatanggap ka ng black card sakanila para ka na ring naglalakad na patay dito sa campus. Tandaan mo yan."

One of the Boys (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon