Janine's POV
Gabi na ng makarating kami sa sea side kainis talaga yung James na yon.
"Ang lamig hindi ko na kaya." Arteng sabi ni Yanna saken.
Ng biglang nakita ko si Renz at.....
O_____________O
Franzine Candaza?!
"Ugh-mm di-diba sya si... Franzine Candaza?!" Gulat na sabi Yanna.
Nakita ko silang magka holding hands habang naglalakad papunta kila JAMES?! Ugh bat nanaman sila nandito kainis naman. Nagyakapan silang lima dahil ngayon lang sila nagkita kita. Halatang close nga sila at oo maganda talaga si Franzine model talaga.
Nakita ako ni Renz at ako naman hiyang hiya sa suot ko!! Muka akong basang sisiw kaming dalawa ni Yanna! Hindi nya ako nginitian kaya hinila ko na si Yanna at inayang umalis na pero may humarang saken.
"Hello Laundry Girl."
"BAKET NANAMAN?!!!!"
Pasigaw kong sabi sa asungot nato. Ano nanaman bang gusto nya?
"Sabihin mo nga... Hindi ka ba natutuwang makita ako rito? Sigurado akong bored ka na sa mabantot at amoy isdang bangkang yon."
"Oo. Masayang masaya ako kanina bago pa kita makita." Gigiil na sabi ko.
"Hindi na mahalaga yon dahil nag aaral ka naman sa Westville High kaya sumama nalang kayo samin." Sabi ni James at tinalikuran na kami.
Ha ano? At saan naman kami pupunta? Lokong to.
"HINDI AKO SASAMA SAINYO!! KAYO NALANG!"
Nagkasalubong si Renz at James dahil papunta samin si Renz.
"Hi Janine. May welcome party para kay Franzine punta ka ha?" Sabi ni Renz na nakangiti at tinalikuran na kami.
Ano? Totoo ba tong narining ko? Ininvite kami ni Renz sa party?
"Oo sige pupunta ako."
Huh ano bang sinabi ko? Diba sabi ko hindi ako sasama at pupunta? Narinig siguro ni James yun.
"Hey Laundry Girl!"
Yung mga mean girls -______________-
"Ayoko naman talagang sumama eh atska wala akong balak pumunta ron." Sabi ko sakanila.
"Oh c'mon diba sila James at Renz ang nag invite sayo? Sumama ka na join ka na please."
"Oo nga girl pero may nakalimutan silang sabihin eh."
"Huh ano yun?"
Lumapit silang tatlo samin.
"Hoy ano nanamang binabalak nyong tatlo ha?"
---
"Okay lang ba tong suot ko Yanna?"
"Oo naman okay lang kapag nasa loob ka na baka mas oa pa suot nila sayo eh. Baka nga wala silang masabi sayo eh."
"Pero Yanna nahihiya akoooo."
"Ano?! Hayaan mo magugulat nalang silang lahat makikita nila ang tunay na Janine!"
"Ah Yanna umuwi nalang tayo!"
"Ano ka ba Janine lakas ng loob mo kailangan mo."
Nginitian ko nalang sya at pumasok na sa hotel pano ba naman kasi tong suot ko. Wonderwoman kaya sabi kasi nung tatlo costume party edi ito napili ni Yanna tutal eto naman ang tawag nila sakin. Naka coat muna ako at tatanggalin ko nalang pag dating doon.

BINABASA MO ANG
One of the Boys (ON-GOING)
Teen FictionSi Janine Castillo ay isang babaeng inosente, palaban at walang inuurungan ang nakapasok sa isang maganda at sikat na school o mas kilalang Westville High. Makikilala nya rito ang apat na siga at mayayamang lalake na magtatanggol sakanya.