"Ano galing syang Paris?" Tanong ni Yanna sakin about dun sa ka share ko ng upuan kanina.
"Oo at napaka ganda nya. Akala ko nga manika sya eh." Saad ko.
"Naku Janine mabuti naman at nagkaroon ka agad ng kaibigan." Sabi nya.
"Kinakabahan ako sayo eh, baka niloloko ka ng mga estudyante doon." Sabi nya ulet.
Napatawa nalang ako ng malakas at nakisabay rin sya sa pagtawa ko.
"HAHAHAHA! Ganun na nga Yanna." Sabi ko ng naka pout.
Totoo naman kasi eh.
"Eh kung gagawin ko naman ang gusto kong gawin sakanila edi bubugbugin ako ng mama ko." Mangiyakngiyak kong sabi.
"Osya Yanna una nako ah may pasok pa bukas eh. Bye!" Pagpapaalam ko sakanya. Kelangan ko pa kasing gawin yung mga assignments ko eh.
"Sige! Bye!" Pagwawave nya ng hand.
Pagkauwi ko ng bahay ay kumain na ako ng hapunan habang busy sila sa mga ginagawa nila. Si Jay ayun nag cocomputer nanaman. Si Mama naman nagtatahi at si Papa plinaplantsya yung uniform ko.
"Uhm Papa? Hindi ka ba napapagod kakaplantsa nyan?" Tanong ko.
"Bat naman ako mapapagod? Uniform to ng anak ko eh." Sinabi nya yun habang yakap yakap yung damit ko. Aish ang OA naman nila. Kakairita porket nagaaral lang ako sa Westville High eh.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa banyo para mag toothbrush. Hinarap ko ang sarili ko sa salamin at kinausap ang sarili ko.
"Ipaglalaban ko kung ano ang makatarungan. Maraming magagalit sa gagawin ko. Pero kailangan kong sabihin kung ano ang nasa isip KO!! HUMANDA KAYO APLUS!!!! Bukas tapos na KAYO!" Sabi ko sa sarili ko sa salamin.
*****
"AAAAAAAAH"
"OMG! ANG GWAGWAPO NILA!"
"LALO NA SI JAMES ALEX NEVILLE!! AAAAAAAH!"
Eto nanaman yung mga babaeng nagtitilian sa Aplus na yan. Aish ampapanget naman nila eh mga duwag. Nakakainis. Ang yayabang pa! Aish
Habang naglalakad sila biglang may humarang na babae na may hawak na box ng cake. Maliit yung cake at sa tingin ko para kay James yun.
"James Alex ako mismo nag bake nito para sayo. Sige na tanggapin mo na ang regalo ko para sayo please? Please tanggapin mo na." Inabot ng babae yun kay James habang nakayuko at inaantay nya yatang kunin yun sakanya.
Tinitigan muna ito ni James at kinuha nya. Seryoso? Kukunin nya talaga? Ang humble nya pala eh. Tuwang tuwa naman yung babae nung kinuha ni James yung cake pero yung mga tao sa paligid nag tataka kabilang na ako doon.
Pero imbis na tikman nya yung cake... SINAMPAL NYA YUNG CAKE SA MUKA NUNG BABAE!
"OOOOOOHHHHHH." Sigaw nung mga tao sa paligid.
"Hindi sya kumakain ng cake kung hindi rin yan gawa ng kanyang personal chef!" Sabi nung Mean girls. Ugh isa pa tong mga to eh.
Grabe naman iyon! Napakasama ng ugali nila! Andami na nilang nabully dito sa school. Naglakad sila papunta sa pupuntahan nila pero hinarangan ko sila. Kailangan ko ng sabihin kung ano ang dapat!

BINABASA MO ANG
One of the Boys (ON-GOING)
Ficção AdolescenteSi Janine Castillo ay isang babaeng inosente, palaban at walang inuurungan ang nakapasok sa isang maganda at sikat na school o mas kilalang Westville High. Makikilala nya rito ang apat na siga at mayayamang lalake na magtatanggol sakanya.