OOTB - Chapter 6

31 1 0
                                    

Janine's POV

"AKO SUSUKO? NAGKAKAMALI KAYO!!" 

Umakyat nalang ako sa rooftop at naglabas ng sama ng loob. Tutal wala naman akong makakausap eh. Badtrip talaga yang Aplus na yan. Aish. Tumutulo parin yung luha ko hanggang ngayon. Grabe sila mga walang awa.

" SI JANINE LANG AKO PERO HINDI AKO PWEDENG TAPAK-TAPAKAN LANG! MALING TAO ANG KINALABAN NYO! AT KAHIT ANONG GAWIN NYO HINDI NYO AKO MAPAPASUKO KAHIT KELAN!!!" 

Napatingin nalang ako sa katawan ko na nababalot ng itlog at harina -.-

"Ilang itlog kaya ang nasayang nila? Tska hindi ba nila alam na mahal ang flour ngayon?! Andami na sanang nagawang pancakes." Nanghihinayang na sabi ko sa sarili ko. 

"Haaaaaay! Everytime nalang napaka ingay mo!" -Renz

O________________O 

Oo nga pala dito rin pala sya tumatambay at natutulog. Bat ba diko naisip yun?! Ugh. Muntikan ko ng makalimutan isa rin tong lalakeng to ang nagplano na mangyari sakin to ngayon. Aaaah! Janine gising! Hindi ito ang oras ng paglalandi!

"Narinig ko yung sinasabi mo kanina...." Sabi ni Renz na seryoso ang muka.

"Ha-----a?" Tanong ko sakanya. Aish sumagot ka Janine! Boset.

"About sa pancakes? Marunong ka ba gumawa non?" Ngiti nyang tanong sakin. 

Kyaaaaaaaaa! Ang cute ng smile nya. Grabe first time ko syang nakitang ngumiti at nagpacute. Lalo ko tuloy syang nagustuhan. "Ehem Janine! Sagutin mo ang tanong nya" Ugh umeepal nanaman tong subconscious ko.

"Aaa-ano uhm paghaluin mo lang yung flour, itlog, gatas at asukal tapos ilagay mo lang sa frying pan ganun lang may pancake ka na." Sabi ko habang kinakabahan. Ikaw ba naman kausapin ng crush mo diba?!

"Aaaaah simple lang pala."-Renz

Aish naging seryoso nanaman ang anghel nyang muka. Nakakaasar! Napaka moody amp. 

Lumapit sya at napatitig sakin mula ulo hanggang paa. Owshet! Wag mo akong titigan ng ganyan Renz natutunaw ako shet. Teka teka muntikan kong makalimutan na nababalutan ako ng itlog at harina. Aish. Akala ko pa naman ay napaka ganda ko na kasi napatitig sya sakin ng ganun.

Kinuha nya ang panyo sa bulsa nya at pinunas nya yun sa muka ko at damit ko.

Renz Clark Stevens! Bat mo ginagawa to sakin?! Hindi mo ba alam na mas lalo kitang nagugustuhan?! Aish. Pagkatapos nya punasan ay kinuha nya yung kamay ko at inilagay yung panyo sa kamay ko. 

Aaalis na sana sya kaso pano tong panyo nya? Akin nalang? Lol hindi pwede.

"Teka ang panyo mo." Sabi ko.

"Itapon mo na yan." -Renz

"Uhm ibabalik ko nalang sayo dito bukas." 

"Hindi na ako babalik sa lugar nato kasi hindi na tahimik tulad ng dati. Maraming salamat sa ingay mo." Tumitig ng masama sakin si Renz bago umalis.

Kasi naman Janine eh! Bat ba kasi napaka ingay mo?! Ayan tuloy na turn off yata sakin si Renz. Pero sa tingin ko hindi sya kasama sa plano nila James na gawin to sakin. Napaka bait nya kaso masungit >_______

Umalis na rin ako sa rooftop at nagpunta sa classroom ko. Wala nang mga estudyante dahil kanina pa uwian. Mabuti naman at wala na sila -.-

May nakita akong gamit sa may desk ko. Oo nagbalik na yung desk ko at bago na yun wala ng mga vandals. Boset talaga yung may gawa nun. Aish.

One of the Boys (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon