OOTB - Chapter 8

27 1 0
                                    

Janine's POV 

Monday nanaman?! Grabe ang bilis ng araw kulang na kulang pa ang araw ng pahinga ko. Gusto ko ngang mag absent eh kaso bubugbugin naman ako ni ermat -____- 

Psh. Nakakatamad pumasok pero eto ako ngayon naglalakad na sa hallway papuntang room. Pero ano nanaman bang problema nila at nakatingin nanaman ng masama sakin? Head over heels lang mga teh?! Mga inskyurrr na to. Pabulong bulong pang nalalaman.

Pagkapasok ko ng room nakatingin silang lahat sakin. Buti nalang hindi pa time at wala pa yung teacher namin don. Pero hayuuuun nanaman sila... Nagbubulungan nanaman -_____- Pucha kelan ba ako titigilan ng mga toh??! 

Napalingon ako sa board namin at........

O__________O 

Puro vandals tungkol dun yata sa nabuntis na estudyante. Pero nagulat ako dahil nakita ko ang pangalan ko dun. PANGALAN KO DUN?! Leche kung ano-ano nakasulat. 

'flirt!' 'how dirty! kadiri' 'so harot!' sino ang daddy ng baby mo Janine?' 

=_____________= 

Napayukom ko ang kamao ko sa nakita ko. Sino nanaman kaya ang baliw na nakaisip nyan?! Ako mabubuntis? Kalokohan! NBSB po ako mga teh! NO-BOYPREN-SINCE-BIRTH!!! Ni wala pa nga akong first-kiss eh! Taena grabe talaga. Eh sino pa ba maiisip kong gagawa nyan? JAMES ALEX NEVILLE!!!!!! HUMANDA KA! 

*****

James Alex's POV 

"Bakit ba ang tahimik mo ngayon?" Tanong saakin ni Paige.

"Baka dahil kay Wondergirl? Haha." Sabat ni Bruce. 

"Tahimik ka dyan! Ulul. Maghintay lang kayo ano mang oras darating na sya. Ang amazonang yun na hindi alam ang ginagawa." Saad ko.

"Ano nanaman ang balak mo ngayon?" -Renz

Si Renz? May pake sa mga binabalak ko? Baka tutulungan nya ulit yung asungot na yun. Hindi ko nga alam kung kanino sya kampi eh. 

"Bakit tutulungan mo nanaman ba sya?" Tanong ko sakanya.

"Anong ibig mong sabihin." Sabat ni Bruce.

"James cool ka lang." Ngiting sabi ni Renz saakin.

"Concern ka? Kung hindi mo ako tutulungan gawin mo nalang ang gusto mong gawin." -Ako

"Ang pahirapan ang isang babae? Kalokohan James napaka childish." Saad ni Renz.

Anong sabi nya? Childish?! Nakakainsulto ah!

"Muka ba syang babae para sayo? She's like a crazy dog hindi nya alam kung anong lugar nya sa mundo. At wala akong pakealaman sakanya kinakalaban nya ang leader ng Aplus kaya dapat ko syang turuan ng leksyon." 

Hindi sya nakasabat sa sinabi. Tama naman ako eh. KINAKALABAN NG JANINE NA YAN ANG APLUS. 

*****

Janine's POV

Kinuha ko yung pambura ng board at binura ang lahat ng iyon. Bwiset sila! Wala silang kaalam alam sa buhay ko tapos sisirain nila ako ng ganun ganon nalang? Hutangena! Hilig nilang manira ng buhay ng may buhay.

Lumalapit nanaman tong Mean Girls na to. -___________-

"Ine-erase mo? Useless gurl. I have it in my phone! See.. " Sabay pinakita yung phone nya sakin at pinakita yung news sa phone nya at binasa ko iyon.

Tinignan ko silang tatlo ng masama at inirapan sabay alis sa harapan nila papunta sa arm desk ko. Amp! Ano ba tong mga basahan nato bat nasa arm chair ko? Kadiri naman. Bwiset! Sinundan nanaman ako netong mga tipaklong nato! 

"Gurls you smell something?" -Girl 1

"Eww I can't stand it." Girl 2

"Kadiri hindi ako makahinga!" -Girl 3 

=_______________= 

"Uhm gurl gimme the perfume.... Paano kami makaka study ng maayos kung mabaho sa classroom right?" -Girl 1 sabay binuhos yung perfume nya sa mga basahan sa harap ko.

Napuno na ako at hindi na kayanan ng pasensya ko kaya tumayo ako at tumingin sakanilang tatlo.

"HINDI KO NA KAYA TO! HINDI KO NA TO MAPAPLAMPAS!!" Sigaw ko.

"Hindi mo na kaya? ANO NGAYON ANG BALAK MONG GAWIN?! AT ANO NAMAN ANG MAGAGWA MO?" -Girl 1

Hindi ko pinansin yung bitch na yun at kinuha yung mga basahan at umalis sa classroom. Pupunta lang naman ako sa 'private room' ng Aplus. Nagtanong tanong din kasi ako kung san sila makikita.

Hindi na ako kumatok at pumasok nalang bigla. Sakto. Kumpleto sila. Humanda ka na. >:)

"Speaking of the devil. Kung pumunta ka dito para magsorry pwes huli na ang lahat" -James

"Hindi ko na mapapalampas ang ginagawa mo sakin! Binabalaan kita kundi papatulan na kita!! Pinaghandaan ko ng mabuti ang mga sasabihin ko sayo! ALAM MO BA YON?!" Sigaw ko.

"Hoy amazona ka, ganyan ka ba magsorry sa kapwa mo?" Sabi nya saakin.

Huuuwaw? Ano daw? SORRY? Hutangena! Kalokohan!

"Bakit naman ako magsosorry sayo?! Hindi ba dapat sakin ka magsorry?!" Sabay hampas ko ng mga maduduming basahan sakanya. >:D

Nagulat silang lahat ng gawin ko yon' kay James. HAHAHA Hindi ba kapanipaniwala ang ginawa ko?! Napatayo si James at nakayukom ang kamao nya. Weh?! Akala nya matatakot ako? Pwes hindi!

Hinanda ko rin ang kamao ko noh! Boxing lang ang peg? HAHAHA Kung boxing edi boxing. Akala nya uurungan ko sya? Kalokohan.

"Bakit? Gusto mo akong labanin?" Tanong nyang nanlilisik ang mga mata.

"SINABI KO SAYO HINDI KO NA MAPAPALAMPAS ANG MGA GINAWA MO! MALIWANAG ANG SINABI KO SAYO KANINA! HYAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!" 

*flying kick sa muka ni James*

O______________O <------ Mga pes nila Renz, Bruce at Paige.

Napahiga si James at nauntog sya sa mya sofa. 

"HOY NAKITA MO BA AKONG NATULOG SA TABI NG LALAKE?! NAKITA MO BA AKONG NAKIPAG HOLDING HANDS?! Antapang mong magkalat ng balita tungkol saakin! NI WALA PA NGA AKONG FIRST KISS!!!! PAG INULIT MO PA TO! MAGHANAP KA NA NG KABAONG MO!" Sigaw ko at lumayas na sa 'private room' nila baka ano pang magawa ko eh. 

Ano ka ngayon James Alex?! Duwag ka talaga!

----------------------------------------------------------------------------------

Follow me on twitter for more updates >> @_chickenkarry

----------------------------------------------------------------------------------

One of the Boys (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon