OOTB - Chapter 12

21 0 0
                                    

Aish kakainis talaga yung lalakeng yun! Sinira araw ko -.- Tska ako magiging girlfriend nya? And btw hindi ako choosy sadyang ayoko lang sa ugali nyang matapobre! Psh. 

Teka asan na ba ako? Laki laki naman kasi ng bahay nya eh. Tsk saan kayo ako pupunta? Naglakad lakad ako at biglang may umagaw ng atensyon ko. 

Wow. Ang ganda ng bathroom nila! Kumpleto lahat may shower, may bathtub at ang lalaki ng salamin.

"Whoa mas malaki pa yung bathroom nila kesa sa bahay namin ahhh. Pero Janine bakit ang tahimik mo kanina?" Kausap ang sarili ko. 

Flashback 

*Sa living room kasama si James

"Sya nga pala... May isang bagay kang hindi nalalaman.. Hindi nabibili ng pera ang friendship ginagamit mo ang puso para mapalapit sakanila." Saad ko at naglakad na pero bigla ulit syang nagsalita.

"Lahat ng bagay nabibili ng pera.. Sabihin mo anong bagay ang hindi nabibili ng pera?... Ano bang meron sa mundong to ang hindi nabibili ng pera? Kung may nalalaman ka sabihin mo saakin ngayon din delivery girl." -James

Tinitigan ko lang sya at nag walk-out. Ano nga bang bagay ang hindi nabibili ng pera? Aish bat wala akong maisip? Sa totoo lang halos lahat nga ng bagay nabibili ng pera. 

End of flashback.

Haaaay sa wakas naka-alis din sa bahay na yun! Nakakaloka ha! Aish nakakahiya talaga! 

Natigil ako sa paglalakad dahil biglang may humaharurot na motor.. este magandang motor at bigla naman itong tumigil sa harap ko. Hoholdapin ba ako neto?! At bakit ang malas ng araw ko ngayon? 

Tinanggal nya ng helmet nya at... O_____________O

Si Renz. Anong ginagawa nya dito?! Ay baka bibisitahin si James? Ay ewan!

"Ikaw nanaman?!" -Renz

Aish! Inagawan nya ako ng linya! Kainis. 

"Sakay na." Alok ni Renz saakin at inabot ang kamay nya.

"Ha? Ako sasakay dyan?" Pagtataka kong tanong sakanya.

"Wag ka nang maarte sakay na." 

Wala akong nagawa kundi sumakay na nga. Humawak ako sa bewang nya. No choice eh tska minsan lang naman to kaya pagbigyan nyo na ako! HAHAHA. Ghad! Ang bango nya sa totoo lang. Pero kinakabahan ako dahil sobrang bilis nyang magpatakbo. Aish.

Tumigil kami sa isang puno na may bench. Ewan ko sakanya bat sya tumigil? Haha. Bumaba ako at umupo sa bench at umupo na rin sya.

"Uhm.. May pupuntahan ka ba?" Tanong ko.

"Oo.. Sa bahay. Eh ikaw?" 

"Pauwi na rin ako." 

"Aaaaah. Bakit ang tamlay ng muka mo?" Tanong nya habang nakangiti. Ang gwapo nya pag nakangiti. 

"May nangyari kasing masama sakin kanina eh."

"Hahaha alam mo everytime nalang na nagkikita tayo lagi kang may drama." Natatawang sabi nya.

Pero last week lagi nalang maingay?

"Haha parang ganon na nga. Uhm Renz may gusto sana akong itanong..." -Ako

One of the Boys (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon