James Alex's POV
"ANO?! Si RENZ??" Tanong ko sa tatlong lalaking inutusan ko kahapon. At oo ako ang nag utos sakanila pero etong mga to balak i-rape yung amazonang yun! Eh sabi ko takutin lang aba hinalay ng mga loko!
"Oo bigla nalang syang dumating." Sabi nung isang lalake na inutusan ko at halatang takot na saakin dahil yung boses nya ay parang nanginginig na.
"Eh sino kasing nagsabing gawin nyo yun?!" Galit na tanong ko sakanilang tatlo.
"Eh diba sabi mo turuan namin ng leksyon si Janine hindi ba?"
Aba! Mga inutil pala tong mga to eh! Walang kwenta talaga!
"ANG SABI KO TAKUTIN NYO LANG SYA PARA KUSA SYANG MAGSORRY SAAKIN!" Sigaw ko sa mga muka nila.
"S-sorry hindi na mauulit. Sorrry." Sabi nilang tatlo saakin at may pa bow epek pa! Mga walang kwenta!
"Gusto nyo rin bang ma kick-out sa school ha?!" LUMAYAS KAYO!! AYOKO NG MAKITA ANG PAGMUMUKA NYO HAAAA!" Sigaw ko ulit sa kanila buti nalang marunong matakot yung mga yun! Mga inutil!
***
Janine's POV
"Janine? Okay ka lang ba?" Tanong saakin ni Yanna at halatang halata sa muka nya ang lungkot.
"Hmm. Hindi naman problema yun Yanna." Sabi ko nalang at huminga ng malalim.
"Ano? Okay lang yun sayo? Alam mo gusto ko ang Aplus kasi cute naman sila at dahil cute naman ang akala ko mababait hindi pala! Nakakainis pare pareho silang lahat!!" Galit na galit na sabi ni Yanna sakin.
"Uy grabe ka! Hindi naman lahat!" Sabi ko sakanya.
Oo hindi naman talaga eh! Si Renz! Si Renz yung naiiba sakanila.
"Anong ibig mong sabihin?" -Yanna
"Sa tingin ko yung isa sakanila kakaiba." Saad ko habang nakangiti. Ano? Kinikilig lang teh?! HAHA
"Isa sakanila? At sino naman dun?!" Tanong ni Yanna.
Nginitian ko lang si Yanna at hindi sinagot ang tanong nya. Baka kasi kung anong sabihin nya eh! Haha kinapa ko yung bulsa ko at kinuha yung panyo ni Renz na ibinigay nya saakin este pinahiram nya. Eh sabi nya itapon ko raw?! Neknek nya! Hahaha akin nalang to. Remembrance lang :'))
Pauwi nako gamit ang bike. Habang nagbibike ako pauwi nakita ko yung idol ko sa billboard. Hindi sya artista kundi sikat sya na model sa dito at sa ibang bansa. Sya si Franzine Candaza.
"Wow ang ganda nya talaga sa commercial nato." Habang nakatingin sa may billboard.
Dumeretso nako at ineenjoy ang pag bibike ko pero bigla kong nakita si Renz sa may waiting shed. Hindi sya nagaantay ng bus dun kundi tinititigan nya yung picture doon.
Nilapitan ko sya at nakita ko ng nakapikit sya habang nakasandal dun sa picture ni Franzine Candaza. Hmm idol nya rin kaya yun?! Or crush nya? Malapitan nga!
"Hello! Crush mo rin ba sya?" Tanong ko kay Renz na nagulat saakin.
Ugh ayan nanaman yung seryoso nya muka! Kahit kelan gwapo gwapo padin!
"Talagang maganda sya diba? Para syang dyosang bumaba mula sa langit." Puri ko sa picture ni Franzine. Eh talaga naman eh! Maganda sya, sexy at ang pagkaka alam ko mabait at humble daw ito.
"Dyosa?" Tanong ni Renz.
"At hindi lang muka ang maganda sakanya ang alam ko kasi dinodonate nya ang mga kinikita nya sa mga charity at last month nakapasa sya sa bar exam sa France! Ang galing diba?" Sabi ko kay Renz na parang nagtataka yung muka.
"Kilala mo ba sya?" Tanong ni Renz saakin.
"Syempre! Ako? Idol ko sya!" Habang tinuturo ang sarili ko. Proud to be eh.
"Idol mo sya?" Nakangiting sabi ni Renz saakin.
"Mmm. Inaahasahan ng mga tao na sya ang magmamana ng law firm ng parents nya. Pero sa palagay ko marami pa syang bagay na gagawin diba? Kasi tuwing bakasyon pumupunta sya sa Africa, sa Afghanistan. Ah! Pumunta rin pala sya sa Tibet kamakailan lang! Ang dami nya pinupuntahan noh? Napaka busy nya talagang tao!" Sabi ko at natawa naman si Renz dun.
"Haaaay. Personal opinion ko lang naman pero sana sa isang royal family ang mapangasawa nya o kaya yung magiging president tulad ni Princess Diana or ni Audrey Hepburn isang prinsesang may nagawa para sa world peace." Sabi ko at biglang nagbago ang aura ni Renz. Parang nagalitna sumimangot na ewan.
"Model lamang sya." Sabi ni Renz saakin.
"Bakit? Diba yung president ng France nag divorce para lang magpakasal sa isang model? Anong malay mo yung susunod na president ng France or di kaya prinsipe ang mainlab sakanya diba? Magpro-pose at pakasalan sya. Sa tingin ko hindi yung malabong mangyari. Ano sa palagay mo?" Tanong ko.
"Everytime nalang na magkita tayo ang ingay mo. Nakakainis ka na." Sabi ni Renz with a cold tone sa boses nya at umalis na gamit ang mamahalin nyang motor.
Anyare dun?! Kanina patawa tawa sya? Tapos ngayon magagalit bigla?! Bipolar?! Napaka moody! Nakakainis! Or baka naman ako talaga? Maingay talaga ako? Aish. Makauwi na nga.
Nag shower nako at nagpalit ng damit para makakain na ng hapunan. Lumabas nako sa kwarto ko at nadatnan ko yung kapatid ko na as usual nag cocomputer -.-
"Hoy Jay! Hindi ka pa ba kakain? Maghapon ka ng nakababad dyan sa computer. Mapapakain at magkakapera ka ba sa pinagagawa mong yan?! " Sermon ni Mama sa kapatid ko.
"Magkakapera po ako at magkakaroon ng pagkain. Sobra naman po kayong manlait pag dating sa social media." Sagot ni jay kela Mama.
At ako? Hindi ko sila pinapansin at kain lang ng kain. Basta gutom ako! Wag nyo akong kausapin Baboy mode: ON. HAHAHA!
"Huh?! Teka ano to?! Hmm nakakatakot naman." Gulat na sabi ni Jay.
"Hoy Jay! Bakit ba ha? Anonamang nakakatakot dyan?!" Tanong ni Mama.
"Hahaha sweetie, walang kwentang usapan yan pag dating sa internet." Saad ni Papa. Tama nga naman. Eh ako nga walang FB eh?
"ATE! PALAGAY KO ITO ANG PINAKA HEADLINE NG BALITA!" Sigaw ni Jay. -.-
"Ano naman iyon?" Sabi ko habang punong puno ng pagkain ang bibig ko. Wala akong pake kung puno duhhh.
"SINASABI RITO NA MAY BUNTIS NA ESTUDYANTE SA SCHOOL NYO!"
"ANO?" Sabay na sabi ni Mama at Papa.
Napaubo at naibuga ko ang pagkain ko ng sinabi yon ni Jay. Dali-dali kaming pumunta sa computer ni jay at tinignan yun.
"Asan?" - Mama
"Sino?" -Papa
"Junior Student ng Westville High, Kahiya-hiya dahil sakanyang lifestyle. At buntis raw ito." Sabi ni Jay.
"Janine! Posibleng classmate mo ang sinasabi rito." Sabi ni Mama.
HUH? SINO KAYA IYON?! Hutangena! Nakakagulat.
---
[A/N: Whoaaa sino kaya yon? Haha!
Yanna Rivera ---------->
Bestfriend ni Janine ^______________^ ]
Follow me on twitter for more updates >> @_chickenkarry
BINABASA MO ANG
One of the Boys (ON-GOING)
Novela JuvenilSi Janine Castillo ay isang babaeng inosente, palaban at walang inuurungan ang nakapasok sa isang maganda at sikat na school o mas kilalang Westville High. Makikilala nya rito ang apat na siga at mayayamang lalake na magtatanggol sakanya.