OOTB - Chapter 2

61 1 0
                                    

Pinasakay na ako ni Papa sa motor namin na pang deliver nya para ihatid ako sa Westville High. Tsss bat pa kasi ako ihahatid eh kaya ko naman na sarili ko. 

Nang makarating kami sa may gate nakahirela na ang mga magagandang kotse as in wala kang makikitang motor kundi kami lang....KAMI LANG YUNG NAKAMOTOR! Nakakatawa nga eh tska nakakahiya noh. Napahikab nalang ako pababa ng motor.

"Papasok na po ako.

"Sige goodluck Janine!" Sabi ni Papa na may matching "aja" sign.

Naglakad na ako papunta sa loob ng Westville High. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagaaral ako rito. Grabe ang saksakan ng sosyal ang mga tao rito. Hindi talaga ako nababagay rito eh. Kasi naman yang scholarship na yan kung hindi lang dahil sa future ko, hindi ako magaaral dito eh.

Kinuha ko ang school map na ibinigay sakin kahapon kasama na ang mga school supplies ko. Halos lahat libre pero hindi kasama yung mga fieldtrip yun ang usapan. 

Napunta ako sa may gym, soccer field at swimming pool. Dahil yun lang naman ang mga gusto kong makita. 

Palakad lakad lang ako at di ko namalayan na nakapunta na pala ako sa may dulo ng campus puro puno ang nandito mala mini forest ang dating. Siguro ito na ang magiging spot ko rito kung saan ako makakapagstay wala masyadong tao eh.

Puro tunog ng ibon at simoy ng hangin lang ang maririnig mo pero habang naglalakad ako may narinig akong tunog ng musika. Sinundan ko ang tugtog dahil ang ganda siguro violin yun. 

Nakita ko ang isang lalake na nagtutugtog ng violin at....at napaka gwapo nya, mestiso at ang amo ng muka tila ba nahulog na ang loob ko sakanya pero hindi wag na nating isipin yon. Dahil wala akong oras para sa love love na yan eh.

Sya lang mag isa doon habang tumutugtog napalapit ako para manood sakanya dahil napaka ganda ng tugtog pero napatigil sya. Nagulat naman ako sa reaksyon nya at ako rin nagulat dahil nakatitig sya sakin.

O__________________O

"A-a-alam mo ba kung saan yung libr-ry dito?" Segway kong tanong sakanya.

Hindi sya umimik kundi tinuro nya alng yung way kung saan banda.

"Do-do-on? Sige salamat ha! A-aa-h sorry ulit ha sige ituloy mo lang yang tinutugtog mo....... Uh-mm Bbye!" Utal kong sabi sakanya at tumakbo palayo.

Grabe bat ganito ang nararamdaman ko? Na love at first sight yata ako eh hindi parin mabura ang ngiti sa mga labi ko.

Nang makabalik ako sa main entrance ng school dahil andun ang classroom ko. Papunta na sana ako pero may biglang sumigaw na babae na ikinagulat ng lahat.

"AAAAAAAAAH! ANDYAN NA SILA!!!"

Nang marinig nila ang salitang yun nagtilian ang mga babae ahalos lahat ng tao don ay ipinalibot ang pinto para salubungin kung sino man yon. 

Nang pumasok sila wala akong ibang marinig kundi mga tilian ng mga babae. Apat yung mga lalake APAT!

Yung nauuna sakanila parang ang angas at mukang mayabang pero malakas ang dating. Yung nasa likod naman nun ay dalawa yung isa chinito at mestiso at yung isa naman ay mukang chickboy/ playboy at yung huli.....

O________________O

YUNG HULI?! Yung nakita ko kanina sa mini forest! Yung crush ko... Yata?

Napatigil yung unang lalake yung maangas sa isang guy na kapareho nya ng suot at tinignan nya ito ng masama.

"M-may problema ba?" Sabi nung guy dun sa mayabang na yun.

"Magbibilang ako ng tatlo." Hinawakan nya ang collar ng suot nung lalake. Kawawa naman yung lalake tska sino ba sya para gawin yun?

"Isa....Dalawa...Tatlo..." 

Parang alam ko na kung bakit siguro dahil sa suot nilang dalawa dahil pareho sila ng suot. Nakakawa yung muka nung poor guy na binubully nila.

"Paige may natira ka pa bang orange juice dyan?" Tanong nya dun sa chinito.

"Oo gusto mo ba?" 

Inabot nya ang kamay nya para iabot ang orange juice. Nagulat ako ng ibunuhos nung maangas na lalakeng maangas na yun sa damit nung poor guy. Naghiyawan ang lahat at umalis na ang apat na lalake. Nagsilaalisan narin ang mga estudyante.

"Ano ba yun!! Grabe naman ang ginawa ng topak na lalakeng yun! Ah at hinayaan nya lang na gawin yun sakanya?! Ay grabe talaga! Yung iba nanood lang! " Sabi ko ng malakas pero di ko inaasahan na may makakarinig sakin.

"Ohmygod! Watchout ka nga sa pananalita mo gurl." 

Nagulat ako ng nilingon ko sya. Tatlo silang mga babae..ay hindi lang abbae maarte at sosyal na mga babae at napaka sesexy. 

"S-sino naman kayo?!" Tanong ko sakanila.

"Ako nga pala si Maggy." sabi nung Girl 1

"Sofia here!"

"Shine." Sabay hawak sa kanilang mga bewang.

Magpapakilala lang napaka arte pa. -___- kairita. 

"Kami nga pala ang 3 Beauties ng Westville High."

Ano?! 3 Beauties? Aba ang dami namang grupo sa school nato. Daming alam eh at parepareho silang maarte. Nakakainis. Hindi pa nagsisimula ang klase gustong gusto ko na umalis sa school na to eh. Napa taas nalang ako ng kilay sakanila.

"Gurl yung sinabi mo sakin kanina hindi naman siguro tungkol sa Aplus yun right?! Mag ingat ka baka hindi mo alam ang sinasabi mo... Transfer student ka noh?" Ano dawww? Di ko gets.

"A-Ap-lus?" Haaaa kung ganoon sila pala yung mga bastos na Aplus na ipinahiya yung kawawang lalake kanina?" Inis kong sabi sakanila.

"Baka naman famous? Gurl kung hindi ka magiingat sa mga pananalita mo you will be in trouble." Sabi nung Girl 2 na mukang nainis sa sinabi ko.

"Well, first day mo palang naman dito papalampasin namin yang mga sinabi mo about them." Girl 3

"And pwede ba wag mo ngang siraan ang aming Aplus." Girl 2

"Ano?! At bakit naman hindi ko pwedeng gawin iyon? Ano bang mali sa ginagawa ko ha?" Inis na inis kong sabi sakanila.

"Transfer student ka kasi kaya wala kang nalalaman tungkol sa Aplus" Girl 2

"Pwes hindi ko sila kilala at wala akong pake sakanila." Sabi ko.

"Tsk tsk tsk." Sabay sabay nilang sabi sakin na may hand gestures pa ugh ang aarte ah.

"Okay girls lets go..."  

Sabay sabay pa silang naglakad ugh napaka mean nila akala mo rin kung sinong magaganda eh napaka sama naman ng mga ugali. 

---

[A/N: Si James Alex Neville nga pala -------> 

Yay! Fan ako ng Bigbang dati eh. Hahaha! Tska gwapo naman si T.O.P and maangas yung face nya kaya sya yung napili ko. ^_____________^]

Follow me on twitter for more updates >>  @_chickenkarry

One of the Boys (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon