Chapter 4

254 8 0
                                    


Nasa room na kami ngayon at nagdidiscuss yung Prof. Ewan ko pero di ako mapakali sa kinauupuan ko. Naiisip ko kasi ang impaktang Anne na yun eh. Bwesit!

"Ahmm, teacher. Can I go out for a while?" tanong ko sa teacher.

"Sure you can Ms. Saavedra." sabi ng prof namin. Tumayo ako nang pigilan ako ni Dianne.

"Kath, where are you going?" tanong ni Dianne.

"Sa Comfort room lang. I'll be back." sagot ko.

"Don't make a mess Kath" paalala naman ni Alexa. Tinanguan ko nalang siya at lumabas na ng classroom.

As I was making my way to the comfort room, nadaanan ko ang isang music room at may nagpapiano doon. Sinilip ko at nakita ko si Anne na nagpapiano. Bigla namang umandar ang utak ko. Hmm, mapagtripan nga.

Naghanap ako ng paint sa stock room at kulay red pa ang nakita ko. Nakakita din ako ng lubid na pantali. May nakita naman akong malaking polbo sa CR kaya kinuha ko iyon.

Pagbalik ko ng music room ay inilagay ko ang paint sa itaas ng pintuan. Hindi ako nahalata ni Anne kasi nakatalikod siya at busy sa piano.

Good thing rin dahil class hours ngayon at walang estudyanteng gumagala. Nilagyan ko ng tali yung paint at hinarangan sa pintuan. Sa pinakababa yun kaya di mapapansin.

Ibinudbod ko ang polbo sa sahig at tapos nun ay agad na akong umalis. Everything is set in just a matter of minutes. Tumago ako sa isang pader at hinintay siyang lumabas. Hinanda ko rin ang camera ng phone para videohan ang mangyayari. Haha!

Mga ilang sandali lang ay lumabas na si Anne. Nadulas siya dahil dun sa polbo na nilagay ko sa sahig. Ouch, sakit ng pagkabagsak niya!

Nahila naman niya yung lubid na konektado sa paint kaya nabuhos ito sa kaniya. Haha, pinipigilan ko lang ang pagtawa dito sa pinagtataguan ko.

"Eww, yuck. Who did this?" sigaw pa ni Anne. Naliligo na siya ng red paint. Buti nga sa kaniya. Dali-daling tumakbo si Anne. Ako naman ay bumalik na sa room ko pero bago ako makapasok ay ipinost ko ang video sa social media.

Sumasaya talaga ako pag may nagagawang kalokohan. Nang mapost na at papasok na sana ako sa room ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Students are not allowed to roam around on class hours." sabi pa niya. Napalingon naman ako sa kaniya. Siyempre, good mood ako kaya nginitian ko siya.

"Ahmm, sorry but I asked teacher to go out for a while." sabi ko sa kaniya.

"Oh really? Maybe that teacher doesn't know that students are not allowed to go out when classes already started." cold na sabi niya. Aba, para namang mataas siya sa teachers.

"Bakit? Papalag ka sa teacher? Ano naman ngayon kong pinalabas niya ako?" maangas na sabi ko sa kaniya at tinaasan ng kilay.

"I have my own rules as the campus president that all should follow and even a teacher ay di pwedeng kontrahin ang sarili kong rules. You get it?" sabi niya sabay hila sa akin. Wait, saan niya ako dadalhin?

"Hey, where are you going to take me?" inis na tanong ko sa kaniya. Di niya ako pinansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad. Ang sakit makahila. Napaka ungentleman. Hayss!

Dumating naman kami sa malawak na garden na puno ng tuyong dahon. Binitawan niya ako at hinagisan ng walis. Muntik pa akong matamaan nun, buti nalang nakailag ako.

"Clean the whole garden. This is your punishment for disobeying my rules." he said coldly and sat in a bench under the tree.

"Aba, gago to ha. Nagpaalam nga ako sa teacher diba? I didn't even know you're fucking rules!" sigaw ko sa kaniya.

When the bad girl meets the campus president!Where stories live. Discover now