Chapter 8

282 9 0
                                    

Alexa's POV:

Heyowww! Kumakain pa ako ngayon kasi ang sasarap ng mga hinandang pagkain ni Kath eh sobra.

Wala na akong paki kung anong sabihin nila noh!Basta ako, kakain ako hangga't kaya ko. Food is life. Choss.

Pinalibutan lang namin yung bilog na lamesa na puno ng pagkain. Kumakain kami ng biglang nagsalita si Dianne.

"By the way Kath, where are your parents nga pala?Ang tahimik ng bahay niyo eh." tanong ni Dianne. Bigla namang lumungkot ang itsura ni Kath na may halong inis o galit. Anong meron?

"States." maikling sagot ni Kath.

"Can we not talk about it? Change topic nalang tayo." dagdag pa niya at uminom ng juice. Nag-angat naman ng ulo si Shaira na tila may naisip.

"Alam ko na, share mo nalang sa amin yung tungkol sa bestfriend mo Alexa." pangiting sabi niya. Uh-oh!!Nananahimik ako dito eh.

"Cant you see? Kumakain ako oh, wag niyo akong guluhin." inis na sabi ko. Ayoko sa topic, juskoo!

"Sus, umiiwas ka lang eh." sambit ni Dianne na nakacross-arms. Isa pa to.

"Go on Alexa." cold na sabi ni Kath. Wala. Dead end na. Di ako makatanggi kay Kath kasi ang sama niya kong makatitig.

"Sige na nga!" sabi ko at umayos ng upo sa upuan.

~Flashback ~

High school na ako ng makilala ko si Ethan, naging bestfriend ko siya at tinuring din niya akong bestfriend.

Sa halos araw-araw naming magkasama ay di ko na namamalayang nagkakagusto na ako sa kaniya.

Gwapo siya, mayaman, mabait. Basta, almost perfect. Yung mga ngiti niya ang nagpapagaan ng loob ko.

Hanggang sa isang araw, sasabihin ko na sana ang totoo kong nararamdaman sa kaniya pero naunahan niya ako...

"Ethan!!" tawag ko sa kaniya.

"Hey, why did you call me here?" tanong niya sa akin at naupo sa tabi ako. Nasa park kami ngayon.

"May sasabihin sana ako sayo." mahinang sabi ko sa kaniya.

"Oh really? I have something to tell you too Alexa." nakangiting sabi niya sa akin. Ano naman kaya yun?Sasabihin din ba niyang love niya ako? Shit, masakit pa namang umasa kaya wag nalang.

"You go first." sabi ko sa kaniya.

"No, ikaw muna. Ano ba ang sasabihin mo?" tanong niya sa akin. Putik, bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Ikaw nalang mauna, di naman importante yung sasabihin ko eh." nakangiting sabi ko sa kaniya. Wala pa akong lakas ng loob na magsabi eh. Putang confidence to oh.

When the bad girl meets the campus president!Where stories live. Discover now