Chapter 9

214 6 0
                                    


Kath's POV:

Nauna akong magising sa tatlo kasi sobrang sikip. Yung tatlo kasi tinabihan ako sa kama ko. Kasya naman kami pero di ako sanay na may katabi eh. Lalo na at nasa gitna ako tapos nangyayakap pa ang mga bruha.

Naligo na ako at tapos nun ay ginising ko na sila. Tulog na tulog oh, parang ayaw pagising.

"Wake-up. May pasok pa tayo." sabi ko sa kanila.

"Kath naman eh. Antok pa ako."

"Ako din, naputol yung panaginip ko. Ang ganda pa naman nun."

"Kath, lambot ng kama mo. Ayokong bumangon." reklamo nalang tatlo. Pinaghahampas ko naman sila ng unan pero di parin sila gumagalaw. Ah, ganun ha.

"Dianne, Shaira, Alexa. Get up if you don't want me to tear this whole room of mine apart." seryosong sabi ko. Dali-dali namang tumayo ang tatlo at humihikab pa.

"Take a bath and then mamili lang kayo ng clothes sa closet ko and after that, bumaba na kayo for breakfast dahil may klase pa tayo ngayon." bossy na sabi ko sa kanila. Tumango lang sila at pumasok na sa bathroom.

Ako naman ay bumaba na dahil tapos na akong mag-ayos. Nakita ko si yaya na naghahanda ng breakfast. Umupo nalang din ako at nagcellphone.

Pagkabukas ko ng Facebook account ko ay bumungad sa akin ang post ni Dianne. Shit! Ipinost niya pala yun? Wala talagang kahihiyan ang babaeng yun.

Ipinost lang naman niya yung mga pictures namin kagabi. Ghaad, wala pa naman kaming mga t-shirts kaya hayan, umuulan ng comments and likes.

Padabog kung hinampas ang phone ko sa lamesa ng mabasa ko ang usang comment doon.

Ang sexy pala ni Kathryn Saavedra noh? The famous Bad girl na sobrang hot!

Ewww yuck! Ako ang nandidiri sa mga pinagsasabi nila. Bruhang Dianne yun. Kainis!

Nakaupo lang ako ng biglang may nagdoorbell. Busy si yaya kaya ako nalang ang nagbukas nun at sa kasamaang palad, nandito yung mga taong ayaw kong makita.

Binuksan ko ang gate at tinalikuran na sila.

"What are you doing here?" tanong ko at pinagpatuloy lang ang paglalakad.

"Didn't you miss us?" rinig kong sabi ni mom.

"Isn't it obvious?" cold na sabi ko. Dumiretso na ako ng kitchen at sakto namang bumaba ang mga kaibigan ko na ngiting-ngiti pa.

"Ayy, Kath parents mo?" tanong ni Alexa. Tumango nalang ako. Wala ako sa mood. Bwesit.

"Hello po Tita, Tito. I'm Dianne po pala. Kath's friend." pakilala pa ni Dianne. Sumunod naman si Shaira.

"Shaira is the name po, one of Kath's friend."

"And I'm Alexa."

"Well, it's nice to see that our daughter is now having friends." pangiting sabi ni dad.

"Oo naman po noh. Ang bait kaya ng daughter niyo." sabi ni Shaira. Tss. Mukhang masisiraan na mga ako ng bait dito eh.

"Kath, why didn't you tell us na may mga friends ka pala?" tanong sa akin ni mom. Naupo na silang lahat. Nasa gitna ako ng mommy at daddy ko. Kainis!

"How would I tell you when you're always busy?" cold na sabi ko habang naghihiwa ng karne sa plato. Napatahimik naman silang lahat. Nung tingnan ko ang mga kaibigan ko ay nag-iwas sila ng tingin. Ayokong makita nila na hindi okay ang family ko.

When the bad girl meets the campus president!Where stories live. Discover now