Chapter 5

259 10 0
                                    

Kath's POV:

"Let's get out of here." sabi ni Adam sa amin. Sabay na kaming naglakad palabas ng park at naiwan naman yung dalawa na wala ng malay.

Nagpunta kami sa seaside at doon naupo. It's getting darker at kita na yung sunset. It's beautiful and breathtaking. Pansin ko naman si Adam na nakangiwi habang tinitingnan ang kamao niya.

"Alis muna ako, babalik din ako agad." paalam ko sa kanila.

"And where are you going?" tanong ni Adam sa akin.

"None of your business." sabi ko at inirapan siya. Tumalikod na ako at pumunta sa pinakamalapit na pharmacy.

Bumili ako ng betadine at bandage. Pati cotton balls at alcohol na rin kasi sa tingin ko may virus yung mukha ng mga lalaking yun eh. Baka makainfect, mahirap na.

Pagbalik ko, kita ko sila na kumakain except kay Adam na direkta lang na nakatingin sa dagat. Mahangin na din dito kaya sobrang sarap sa pakiramdam.

Naupo ako sa gilid niya at napatingin naman siya sa akin.

"Give me your hands." cold na sabi ko sa kaniya. Pagkalahad niya ng mga kamay niya agad ko itong binuhusan ng alcohol. Napatili naman siya dahil sa hapdi.

"Ouch, may galit ka ba sa akin huh? Ang hapdi grabe." inis na sabi niya. Napalingon sa amin ang mga kaibigan ko pero di ko nalang sila pinansin.

"Wag ka ngang OA. Kalalaki mong tao tapos ganyan ang reaksiyon mo." saway ko sa kaniya at kinuha ang mga kamay niya.

Maingat ko itong pinunasan ng panyo ko at nilagyan ng betadine. Tapos nun ay binalot ko ng bandage. Napansin ko namang nakangiti ang loko kaya inirapan ko siya. Parang tanga.

"Bagay ka nang maging nurse." pangiting sabi niya.

"Che, ewan ko sayo." irap ko sa kaniya at pinagmasdan ang malawak na dagat. I took a deep breath as I welcomed the cold breeze of the sea.

"Kath, ito na yung pagkain mo oh." sabi ni Alexa sabay abot ng cake at isang frappé. Kinuha ko naman ito at binuksan yung box ng cake.

"Share tayo." sabi ko Kay Adam. Hindi naman ako ganun kadamot para di mag-aya.

"Here!" inabutan ko siya ng isang plastic fork. Nagtaka naman ako kung bakit di niya ito kinuha. Tsk!

Kumuha ako ng cake at isinubo sa kaniya. Ayoko namang kumain ng nakatingin lang siya sa akin noh? That's weird. He's weird.

"Subuan nalang kita gusto mo?" sabi ko sa kaniya at tinaasan ng kilay. Napangiti naman siya at kinain yung sinubo ko sa kaniya. Baliw lang?

"Ako na." kinuha niya yung tinidor mula sa kamay ko at sumubo ng cake. Tinitigan ko lang siya. Ewan ko ba pero di ko alam kung bakit?

"If you want to eat, kumuha ka kasi di kita susubuan."napabalik ako sa reyalidad ng magsalita siya. Inirapan ko lang siya at kumuha na ng cake.

"By the way, are you a stalker?" diretsong tanong ko sa kaniya.

"What makes you think that I am a stalker? Ibang tao ang nangiistalk sa akin at di ako." pagmamayabang niya. Ang hangin bro.

"Ang yabang mo rin eh noh." irap ko sa kaniya.

"Eh ikaw, balak mo talagang mabugbog kanina?"

"Baka sila pa ang bugbogin ko." sabi ko at sumubo ng cake.

"See? Pareho lang tayong mayabang. Ang yabang mo ring magsalita eh. Para kang di babae. " he said which made me hissed and rolled my eyes. Is he insulting me?

When the bad girl meets the campus president!Where stories live. Discover now