Chapter 10

248 8 0
                                    


Adam's POV:

Napansin kong natahimik na si Kath sa pangungulit sa akin. Buti naman kasi ang dami ko pang gagawin. Sobrang kulit niya grabe. May nabanggit pa siyang girlfriend eh single nga ako eh.

Malapit na rin akong matapos dito sa ginagawa ko kaya makakabili na rin ng pagkain ang babaeng toh. Ang aga-aga pa nga pagkain na ang nasa utak.

Pero atleast di siya tumataba diba? Ang sexy nga niya eh. Nakita ko yung pinost ng kaibigan niyang si Dianne at wala silang mga T-shirt lahat. May pa-abs pa nga si Kath. Sobrang daming comments at halos lahat ay tungkol sa nag-iisang Famous Bad Girl.

Well, kita kong nagbabago siya kahit pakonti-konti but I wanna make sure na sa ginawa kong pagposas sa kaniya sa akin ay magbabago na talaga siya ng tuluyan!!

"I'm done,tara sa cafeteria!!" sabi ko at tumayo na.

"Buti naman!Kanina pa ako nagugutom eh!!" sabi niya at naglakad na kaming dalawa patungong cafeteria.

Pagdating namin dun ay pinagtitinginan kami ng lahat.Napansin ko namang dumikit sa akin si Kath at tinatago ang kamay naming dalawa na nakaposas!!Napapangiti nalang ako sa ginawa niya!

Lahat ng makita niyang nakatingin sa amin ay sinasamaan niya ng tingin.Grabe talaga ang babaeng toh!!

Bumili na ako ng makakain namin.Paupo na sana ako ng hilahin ako ni Kath.

"Why?"

"I don't want to eat here!!Lahat ng tingin nila nasa atin!Sa office mo na lang!!" sabi niya at naglakad na.Okay!Sabi niya eh!!

Pagdating namin dun ay nilagay ko na sa table ang binili ko at naupo kaming dalawa sa couch!!

"Wait,paano ako kakain nito kung nakaposas ang kanang kamay ko sayo?" kunot-noong tanong niya.

"Subuan nalang kita gusto mo?" sabi ko pero inirapan niya lang ako.Maatittude eh!!

Yung kaliwang kamay niya ang ginamit niya sa pagkain.Alam kong nahihirapan siyang kumain hawak yung kutsara sa left hand niya.

Eh kasi naman,di pa lunch pero bumili ng rice at ulam at ang dami pa!!Kumain nalang din ako!!

"Aishhh,too difficult!!" reklamo niya pa ng mahulog yung kanin sa kutsara niya.Haha,ako ang natatawa sa itsura niya!!Yung tipong gusto mo na talagang kumain pero nahihirapan ka!!

Kumuha ako ng kanin at isinubo sa kaniya.

"Come on,susubuan na kita!!" sabi ko sa kaniya.

"Wag na noh!" inis na sabi niya.Hayss,pakipot pa!!

"I insist kaya wag ka nang maarte okay!!" wala na siyang magawa kaya kinain nalang niya yung sinubo ko sa kaniya.Haha,how cute!!

Pagkatapos naming kumain ay niligpit na namin iyon.Inis na inis naman siya kasi kung tatayo daw ako kailangan din daw niyang tumayo!!Siyempre wala siyang choice!!

Dumating naman yung mga kaibigan niya sa opisina ko!!Pinapunta siguro niya kasi nasa phone ang atensiyon niya kanina eh!!

"Kath,I miss you!!"sigaw ni Alexa sabay yakap kay Kath.

"Ah hello Mr. President!!" bati nila sa akin nang mapansing nandito lang ako katabi ni Kath.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanila.

"Ako ang nagpapunta sa kanila dito noh!!Ang boring kaya!!" irap ni Kath sa akin.Nagkatinginan naman ang mga kaibigan niya!

"Ah President Adam,pwede ba naming makausap si Kath sandali?" pa alam sa akin ni Dianne.Itinaas ko naman ang mga kamay namin ni Kath na magkaposas!

When the bad girl meets the campus president!Where stories live. Discover now