Chapter 41

367 10 6
                                    

I woke up today with a smile on my face.Agad akong naligo at nagbihis.Tapos nun ay di na ako kumain at nagtungo na ng school.

Wala si Adam dito kasi nagtatampo sa akin yun.Ang napili ko kasing escort sa promenade na magaganap ngayon ay yung bago naming kaklase na gwapo kaya hayun,nagtatampo siya.

Today is the promenade at may gown na ako para mamayang gabi.May practice pa kami ngayong umaga para sa dances na ipepresent by section kaya pupunta pa ako ng school.

Pagdating ko dun ay sabay pa naming dumating ni Adam.Di niya ako pinansin na para bang di niya ako nakita at nagpatuloy lang siya sa paglalakad papasok.

Hinayaan ko nalang siya kasi yun naman talaga ang plano ko eh!Ilang araw na niya akong iniiwasan dahil sa bago kong classmate na lalaki.

Actually I have a surprise for him today kaya hinayaan ko nalang muna siya na magtampo sa akin.

Naglalakad na ako papasok ng makasalubong ko si Steve,yung bago kong classmate na gwapo at escort ko ngayong gabi.

"Hey Kath,sabay na tayo pumasok?"

"Sure!"sabi ko sa kaniya.Nagtungo kami agad sa gymnasium kung saan nagpapractice ang lahat ng sections ng sasayawin nila.

"Hi Steve!"bati ni Dianne.Wow ha,parang wala ako dito ah!

"Ehemm!"I fake a cough kaya napatingin sa akin ang gaga.

"Hi Kath!"tinanguan ko lang siya.

Nagsimula na naming magpractice at di talaga maiwasan na hawakan ng mga lalaki ang bewang mga babae.Interpretative dance kasi ang sasayawin ng lahat.

Naptingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko.Halatang enjoy na enjoy si Alexa sa boyfriend nito na pinsan ko na si Ethan kasi naglalandian na naman ang dalawa.Si Shaira naman ay kasayaw yung isa naming classmate na nanliligaw sa kaniya.

Balak na daw niya itong sagutin pero di pa ito ang tamang oras.Pansin ko naman ang panay na pagtitig ni Dianne sa kasayaw ko.Hmmm...confirmed na may gusto siya kay Steve.

Nag-iwas siya ng tingin ng makitang nakatingin ako sa kaniya.Napailing nalang ako at lihim na napangiti.Nagseselos ang gaga!

Malakas ang pakiramdam ko na may nakamasid sa amin kaya nilibot ko ang paningin ko at dun ko nakita si Adam na nakaupo sa bench habang masamang nakatingin sa amin ni Steve.

Kita ko ang sobrang pagseselos sa mukha niya na kulang nalang ay sugurin niya kami ni Steve dito.

Nag-iwas siya ng tingin dahil magsisimula na rin ang practice nila.Si Anne ang partner niya sa sayaw.I'm jealous pero sa sayaw lang naman yun eh,di naman boyfriend ko ang escort ng babaeng yun.

Tapos na ang practice namin kaya naupo muna kami sa bench.Katabi ko si Steve at sa gilid ko ay yung tatlo.

"Water,gusto mo?"sabi sa akin ni Steve sabay abot sa akin ng bottled water.Napatingin ako sa gawi ng mga kaibigan ko na nakatingin na din pala sa amin.Kita ko ang selos sa mukha ni Dianne.

"Ahmm,no need!May daka akong tumbler!Si Dianne,I know she's thirsty!Sa kaniya mo nalang ibigay!"nakangiting sabi ko at nilingon si Dianne.Kinindatan ko naman siya.

Naglakad na papalapit sa kaniya si Steve.Si Alexa naman ay tumayo sa kinauupuan niya at doon pinaupo si Steve.

Tumabi si Alexa kay Ethan na kasalukuyang nasa tabi ko na pala kung saan nakaupo sa Steve kanina.

"May something ba sa dalawang yan?"bulong sa akin ni Ethan.

"I don't know!Napansin ko lang na parang may gusto si Dianne kay Steve."sagot ko sa kaniya.Tumango kang siya at ibinaling ang atensiyon kay Alexa.Hayss,landian na naman!

When the bad girl meets the campus president!Where stories live. Discover now