Chapter 22

184 4 0
                                    

"Hello po President Adam!!" bati pa nung mga kaklase ko sa kaniya.

"Hello!!" balik na bati niya at medyo kinilig yung mga kaklase ko!!

Dire-diretso siyang kumuha ng ingredients na kailangan namin!!Feel na feel at home eh!!

"Wait,mag-apron ka muna!!" sabi ko sa kaniya.Nginitian lang niya ako at alam ko na ang ibig sabihin nun.Loko-loko talaga.

Lumapit ako sa kaniya at isinuot sa kaniya ang apron.Itinaas naman niya yung nga kamay niya para matali ko sa likod.Nagmumukha na tuloy akong niyayakap siya!!

"Ayiee,sweet naman!!" pang-aasar pa sa amin ng mga classmates ko!!Tumingala naman ako para tingnan si Adam.Matangkad din naman ako pero mas matangkad siya at hanggang bibig lang niya ako.

Pagkatingin ko sa kaniya ay nakangiti pa siya sabay halik sa noo ko!!Ayan na naman ang pagkasweet niya!!Naiilang akong lumayo sa kaniya!!

"Ayiee,kilig to the max!!"

"Naku!!Buti nga may boyfriend na yang alaga ko eh!!" singit ni yaya.Napalunok nalang ako sa sinabi niya.Si Adam naman ay nakangiti habang hinihiwa yung manggang hinog at namumula pa!!

Wait!!Kinikilig ba siya?Ang cute niya pala pag kikiligin eh!!Pati ako kinikilig na din!!

"Tara,dalhin na natin toh doon!!" sabi ni yaya.Tapos na silang magluto kaya dinadala na nila sa lamesa na inihanda namin sa labas!!!

Naiwan naman kami ni Adam.Gagawa yata siya ng mango float!!

"Do you want me to help you?" tanong ko sa kaniya.

"No need!!" sagot niya sa akin.

"Okay!!I'll make fruit salad then!!" kumuha ako ng dalawang can ng fruit cocktails,creams at iba pa.Sinumulan ko na ang gagawin ko!

Dumating naman ang mga maiingay!!Si Dianne at Alexa!!Si Shaira kasi medyo tahimik yun,baka naiwan dun sa pool.

"Oy,gandang tingnan ng love birds oh!!" pang-aasar ni Alexa.

"Yeah,true na true!!" pag-agree pa ni Dianne at tumabi sa akin.

"Manahimik nga kayo!!Ang iingay niyo!!" saway ko sa kanila.

"Sus,ikaw Kath ha!!Sinosolo mo na si President!!" hayss,kung malapit lang tong Alexa na toh sa akin,sinapak ko na talaga siya!!

"Hindi noh,batukan kita diyan eh!!" irap ko sa kaniya.

"Pres oh,nagmamaldita na naman siya!!" sumbong pa niya kay Adam habang nakakapit sa braso nito!!Childish as ever!!

"Tss,para kayong mga bata!!!" sabi ni Adam at nilagay na ang gawa niya sa fridge.Tumawa nalang si Alexa at Dianne.Pati ako ay natatawa narin!!

"Let's go?Tara na dun!!" sabi ko sa kanila pagkatapos kong mailagay sa fridge yung salad na gawa ko.Hinubad ko na yung apron ko at nagpunta na kami dun!!

Madilim na at in-on na nila ang lights!!Wow,sobrang ganda niya!!Pati yung mga balloons na nilagyan namin ng lights ay magandang tingnan!!Maliwanag ang buong paligid at nagkikinangan yung mga palamuting nilagay namin!!

"DJ,music please!!" sigaw ni Dianne.Nagpatugtog naman ang kunwaring DJ na kaklase ko!!Disco song and pinatugtog niya kaya nag-umpisang magsayawan ang mga kaklase ko!!

Naupo naman kami ni Adam sa dalawang upuan na pang pool!!Pinapanood lang naman namin silang nagsasayawan!!

"You have a lot of crazy classmates!!" pangiting sabi niya.

"Sinabi mo pa!!"

Ilang minuto lang ay pinatigil ko muna sila para kumain muna.Iniba naman ng kaklase ko yung music,love song na siya!!Maganda daw yun pag kumakain!!

When the bad girl meets the campus president!Where stories live. Discover now