Chapter 6

246 7 0
                                    


Nakatingin lang ako sa detention slip ng dumating na ang mga kaibigan ko at may dalang pagkain.

"Ano yan?" tanong ni Shaira at umayos ng upo sa upuan. Padabog ko naman inilagay ang kapirasong papel sa table at nagcross-arms.

"DETENTION SLIP?" sabay na sigaw nina Dianne at Alexa. Ano bang meron sa detention slip? Why are they making it a big deal? It's not like I'm gonna die anyways.

"Why? Detention slip lang naman yan ah." sabi ni Shaira habang kumakain ng fries.


"Eh kasi, ibibilad ka kasi sa araw niyan eh at ilolock ka pa doon sa rooftop ng university." sabi pa ni Dianne. Yun lang?

"5 hours kang nandun at 10 ka magsisimula kung kailan mataas ang sikat ng araw. Magkakasun burn ka talaga for sure since tag-init talaga ngayon." sabi naman ni Alexa.


"Grabe naman ang punishments ng president na yan." ani ni Shaira. May naisip naman ako para mamaya.

Tahimik lang kaming kumakain ng may lumapit sa aming isang lalaki. Pinapapunta daw ako sa rooftop. Naghihintay daw dun si President.


"Guys alis na ko." paalam ko sa kanila.

"Wait Kath, may sun block lotion ako. Mag lotion ka muna. Sayang ang makinis mong balat." sabi ni Alexa at inabutan ako ng lotion.

I applied it all over my skin at tapos nun ay umalis na ako. Pagkadating ko sa rooftop ay nandun nga yung President na yun at may tatlo pang lalaki. Well, di naman pala ako mag-iisa eh.


"Since nandito na kayong apat . . ."tumingin siya sa wristwatch niya.

"Its 9:37 so lalabas kayo dito ng 2:37." sabi niya at lumabas na ng rooftop. Nilock pa niya yung pinto.

Walang masisilungan dito kaya bilad talaga kami sa araw. Naupo nalang ako sa gilid at nagcellphone. Nilapitan naman ako ng tatlong lalaki.

"Hi miss, you are Kathryn Saavedra right?" tanong nung nasa gitna.

"Ano naman ngayon kung ako nga?" cold na sabi ko.

"So ikaw nga yung famous bad girl?" sabi nung isang lalaki at malagkit pa akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Nakauniform ako ngayon kaya kita yung legs ko.

"Stay away from me you perverts." sabi ko sa kanila at tumayo na. Tinungo ko naman ang isang side nitong rooftop. Kinuha ko ang payong ko na nilagay ko sa ilalim ng palda ko. Buti di nahalata ng president na yun.

"Miss, wanna go join me in one night?" pangiting sabi nung isang lalaki. Akala ko ba wala ng bad boys dito?Sinungaling pala ang president na yun?

"Gusto mo ng suntok ha?" pagbabanta ko sa kaniya.

"Oh, yan ang gusto ko sa babae. Palaban!" sabi pa niya. Nakangiti lang yung dalawang kasama niya.

"Well then Mr. Pervert. . ." sabi ko at inilapag ang hawak kong payong. Itinaas ko ang sleeve ng uniform ko and clenched my fist.

"Come, one on one tayo." paghahamon ko sa kaniya. I just realized, matagal ko na din tong di nagagawa. Namiss na ng kamao ko na dumapo sa mukha.

"Sure, if I win sasama ka sa akin."

"But if you lose?" tanong ko naman.


"Don't worry, di naman ako papayag na matalo ng isang babae lang."confident pa na sabi niya.

"Well, let's see." pangiting sabi ko at sinugod na siya. Yung dalawang kasama niya ay nasa tabi lang at nakatingin sa amin na nagsusuntukan.

Todo iwas naman ako sa mga atake niya at naghahanap ng chempo na mailusot ang kamao ko sa pagmumukha niya.

When the bad girl meets the campus president!Where stories live. Discover now