CHAPTER SEVEN:

730 21 4
                                    

CHAPTER SEVEN:

MULI AKONG NAPABUNTONG hininga. Hindi ko na nga alam kung ilang beses na akong bumuntong hininga dahil sa totoo lang ay kanina pa ako napapahinga ng malalim. Kanina ko pa kasi sinusubukang contact-kin si Jasper pero nakapatay talaga ang cellphone nya. Hindi ko tuloy maiwasang di mag-alala dahil baka kung ano ng nangyari sa kanya.

Idagdag pa na yung pag-aalala ko ay nahaluan ng pagkairita kay Ashton dahil sa nangyari kanina sa kotse nya. Sa galit ko, hindi ako sumabay sa kanya sa pagkain. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi nya ako pinilit na kumain na kasabay sya.

Lumabas lang ako ng kwarto ko ng masiguro ko na umakyat na si Ashton sa kwarto nya. Dito ako pumunta sa pool area para magpahangin. Pakiramdam ko kasi ma-su-suffucate na ako sa loob ng kwarto ko dahil lagi ako doong nagkukulong.

Iginalaw ko ang paa ko na nakababad sa pool. Tumingala ako sa langit, bumungad sakin ang  nakakalat na mga star sa langit.

"Ang dami nila..." wika ko sa sarili ko na ang tinutukoy ko ay ang mga star na nakikita ko ngayon. "...at maganda"

"Why looking at them if you are the brightest star?" Napailingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Ashton.

Nakasuot lang sya ng robe. Lumapit sya sa pwesto ko at ibinaba ang dala nyang isang baso ng gatas na halata na para sakin.

"Drink that if you don't want to eat" wika nya bago lumapit sa isang bench at dahan-dahan na inalis ang suot nyang robe.

Kahit gabi na, maliwanag pa rin dito sa pool area kaya kitang-kita ko ang magandang hubog ng katawan nya dahil swimming trunks na lang ang suot nya. Halata na alaga sa exercise ang katawan nya. Madami na akong nakitang magandang katawan ng isang lalaki dahil sa klase ng trabaho ko pero iba pa rin ang sa kanya.

Dahil kahit na nagagalit ako sa kanya, iba pa rin ang epekto ng katawan nya sakin. Siguro nga ay tama si Ashton na may physical attraction sa pagitan naming dalawa pero mananatili na lang don ang kung ano kami.

Dahil alam ko at nararamdaman ko na si Jasper pa rin ang mahal ko. Idagdag pa na sa tuwing bumabalik ako sa tamang huwesyo after we had sex, muling bumabalik ang galit ko sa kanya.

Nakasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa tumalon sya sa tubig at nagsimulang lumangoy. He swim perfectly, kaya talagang nakakahanga syang tingnan. Bumaling ako sa baso ng gatas na ibinigay nya. Hindi ko maiwasang di mapailing dahil akala ba nya ay madadaan nya sa isang basong gatas ang inis ko sa kanya kanina?

Hindi ko na pinansin si Ashton na busy sa paglalangoy. Tiningnan ko na lang ang kamay kong may hawak ng cellphone.

Bakit nga kaya nakapatay ang phone ni Jasper?

"Hindi mo sya ma-contact?" Tanong nya.

Hindi ko sya pinansin na parang wala akong narinig. Bahala sya dyan! Hindi ko sya kailangang kausapin! Kinalikot ko na lang ang phone ko.

ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon